BAGUIO CITY—Retiradong heneral at Mayor Benjamin Magalong ng Baguio City ay nagsabi na dapat isagawa ng mga opisyal ng pamahalaan ang sinabi nila at maging magandang ehemplo sa kanilang mga tauhan at mamamayan.
Ito ang naging pahayag ni Mayor Magalong sa kontrobersyal na salo-salo sa araw ng kapanganakan nila ni National Capitol Region Police Office Chief Major General Debold Sinas at Pangasinan Mayor Timoteo Villar III, sa isang panayam sa Bombo Radyo Philippines, nuong Sabado, na sinubaybayan ng Saligan News at Banat Pilipinas News.
“Kung nasa gobyerno tayo, ipakita natin sa ating mamayan na sumunod tayo sa batas at maging ehemplo nila. Yon bang leadership by example,” sabi ni Mayor Magalong.
Si PMajor General Sinas ay nasa mainit na kalagayan ngayon dahil sa kanyang paglabag umano sa panuntunan ng enhanced community quarantine (ECQ) kung saan isa siya sa pangunahing tagapagpatupad, ng ginanap ang isang Mañanita party sa kaniyang tahanan.
Nakita sa video footages ng naturang salo-salo na naging viral sa social media na kahalubilo niya ang mga 50 na mga kasamahan at hindi sinunod ang mga panuntunan sa ECQ tulad ng pagsuot ng face mask, physical distancing at pag-inom ng alak.
Ganuon din ang batikos na natanggap ni Mayor Villar na naging-host sa salo-salo sa kaniyang bahay kasama ang maraming bisita nuong Mayo 6. Ang mga video footages na kinuha mismo ng kanyang anak na konsehal sa lungsod ay nagpakita ng mga paglabag sa panuntunan ng ECQ.
Ang dalawang insidenteng ito ay nangayari ng nasa ECQ ang buong Luzon at daan-daang sibilyan ang naaresto sa paglabag ng maliliit na kasalanan katulad ng hindi pagsuot ng face mask, pagala-gala sa labas kahit may curfew, pag-inom ng alak, at walang dalang food and medical card.
Sa kabilang dako, ipinaalala ni Interiors Secretary Eduardo Año nuong Miyerkules ang lahat na opisyal ng gobyerno na palaging ipairal ang “delicadeza” sa ganitong mga kaso.
Sasampahan din ng Internal Affairs ng Philippine National Police ng kaukulang kasong kriminal si PMGen. Sinas at 18 na kasamahan sa paglabag nila umano sa mga panuntunan ng quarantine protocols