“Kumuha ng maraming contact tracers”—Sen. Lacson

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA—Marami nang itinayong DOH-accredited Covid-19 Testing Centers sa bansa.  Ang naulat na bilang ay 28 at may 10 pa na itinayo ng Philippine Red Cross at pribadong sektor. Marami na rin ang suplay at maayon ang pagdeliver ng mga testing kits para magamit sa mga probable at suspected na Covid-19 na pasyente.

Ang malaking hamon sa pamahalaan ngayon maliban sa paghanap ng bakunang makapagaling sa sakit ay ang paghanap sa mga tao na may-impiksyon upang hindi sila makakahawa ng marami pang iba.  Ang paghahanap ng mga ito ay malaki at delikadong trabaho para sa mga health workers dahil sa dami ng hahanapin.

Sa virtual press briefing nuong nakaraang Martes, inimungkahi ni Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III na dapat padaliin sa gobyerno ang paghahanap o “contact tracing” sa mga ito upang tuldukan na ang kontaminasyon sa Covid-19 at upang makapagbigay ng trabaho at umangat ang ekonomiya sa bansa.

Sa kabilang dako, ipinahayag ni Senador Panfilo Lacson nuong Martes, ang kanyang suporta sa mungkahi ng DOF na mag-hire ng mga contact tracers na walang trabaho.  Sabi niya “Contact tracing is a key first step in addressing the Covid-19 threat.  It should provide the baseline data or reference on who to test.  Without it, our mass testing will be like shooting at the moon or running around like headless chickens.”

“Kung maipapatupad ang mungkahing ito nang maayos, maari nating lutasin agad ang dalawang problema,” sabi niya. Ang dalawang problemang ito ay ang paglaganap ng Covid-19 at ang kawalan ng trabaho.

Inudyokan ni Senador Lacson ang DOH na magkuha at magsanay na ng mga contact tracers sa mga komunidad na malaki ang bilang ng kontaminasyon ng virus ngunit may pangamba siya na hindi na nito maiplementa ang mungkahi ni Sec. Dominguez.

“Ang bagay na ito ay nasa kamay na ng liderato ng DOH.  Maimplementa kaya nila ang mungkahi ni Sec. Dominguez sa dami nilang inaasikaso ngayon?” tanong ng senador.

LATEST

LATEST

TRENDING