Igalang ang desisyon ng Kamara sa ABS-CBN franchise bill – Cayetano

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Nanawagan si House Speaker Alan Peter Cayetano sa mga senador na igalang ang pasya ng Mababang Kapulungan hinggil sa franchise renewal application ng ABS-CBN matapos itong umani ng pambabatikos mula sa ilang senador. 

Pinuna ni Senate President Vicente Sotto III ang House Bill 6731 kung bakit limang buwan lamang ang binigay na franchise kahit na ang legislative franchise ay nakatakdang tumagal ng 25 taon. Minungkahi naman ni Senate Majority Leader Miguel Zubiri na pahabain ang naturang franchise ng isang taon. Subalit, sa kanyang sponsorship speech, sinabi na ni Cayetano na ang limang buwan na ito ay palugit at gagamitin ito ng mga mambabatas upang masisinsinang talakayin ang ABS-CBN franchise renewal bills. 

Giniit din ni Cayetano na legal ang pagpasa ng bill, matapos sabihin ni Sen. Francis Pangilinan na labag sa Saligang Batasang ang pagpasa ng bill sa first at second reading sa parehong araw. Ayon kay Pangilinan nilabag nito ang Artikulo VI, Seksyon 26 (2) na nagsasabing “Hindi dapat maging batas ang ano mang panukalang-batas na pinagtibay ng alin mang Kapulungan matangi kung ito ay mapagtibay sa tatlong pagbasa sa magkakahiwalay na araw.” Pinabulaanan naman ito ni Deputy Speaker and Mandaluyong City Rep. Neptali at sinabing hindi ito illegal at ilang beses na rin itong ginawa ng Mababang Kapulungan.

Ayon kay Cayetano, nakatakdang dinggin ang HB 6732 sa third reading at ipasa sa Senado sa susunod na linggo. Inaasahan niyang mabilis itong aaprubahan ng Senado bago mag–adjourn ang Konreso sa Hunyo 3. Umaasa din siyang aaprubahan ito ni Pangulong Duterte at maibabalik na sa ere ang ABS-CBN sa susunod na buwan.

Samantala, sinagot naman ni Cayetano ang mga kritiko sa Kongreso at media  tungkol sa alegasyong kapabayaan nito ukol sa franchise bills. Kawalan ng “objectivity” sa mga kapwa kongresista at pagtawag na “propagandists” sa mga miyembro ng media ang naging tugon ng Speaker laban sa kanyang mga kritiko.

LATEST

LATEST

TRENDING