Pinaigting ng San Miguel Corporation ang mga hakbang nito sa pagtulong sa lokal na pamahalaan ng Madaluyong sa laban nito kontra Covid-19.
Namahagi ang kumpanya ng 10 swabbing booths at 2,000 test kits sa lungsod ng Mandaluyong nitong Miyerkules. Layunin ng mga donasyong ito na mapalawig ang testing sa mga barangay ng Mandaluyong.
“Our aim is to help flatten the curve in our less fortunate barangays, especially in areas where there have been outbreaks (Gusto nating ma flatten ang curve sa mga mahihirap nating barangay, lalo na sa mga lugar na may naitalang outbreaks,” pahayag ni SMC President at COO Ramon Ang. Dagdag na niya, “Our less-fortunate countrymen are really vulnerable, because their living conditions make it harder to observe social distancing and other preventive measures. So we want to focus our efforts on helping them. (Madaling mahawa ang kapos-palad nating mga kababayan dahilan ng kanilang mahirap na kundisyon kaya hindi madaling maiputad ang social distancing at iba pang mga hakbang)”.
Higit naman na pasasalamat naman ang naging tugon ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos sa inabot na tulong ng SMC. Nitong Miyerkules ng gabi, nakapagtala ang Mandaluyong City ng 515 na kumpirmadong kaso ng Covid-19, 314 sa mga ito ay nanatiling aktibo, habang 45 ang nasawi.
“Puwede namin ‘yang ikalat sa iba-iba naming mga barangay na puwede naming paglalagyan ng swabbing [centers],” tugon ni Abalos sa isang panayam. Inaasahang magbibigay din ang SMC ng testing equipment sa National Center for Mental Health na matatagpuan din sa Mandaluyong. Bahagi ng mga donasyon ay ilang machines para sa Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) and automated RNA extraction.
Ang RT-PCR tests, na tinaguriang “gold standard” ng mga health experts, ang ginagamit bilang confirmatory testing para sa Covid-19. Sa RT-PCR, kumukuha ang trained professionals ng sample sa ilong at lalamunan ng pasyente. Kung magkaroon ng negative result ang repeat test, maari nang pauwiin ang pasyente.
“There are many people and sectors in need of help today. We will make sure they are not overlooked or neglected, (Maraming tao at sektor ang nangangailangan ng tulong. Sisiguruhin makakaabot ito sa kanila)” wika ni Ang.
Mahigit ₱13 billion na ang ginastos ng SMC bilang pagtulong nito sa pamahalan, empleyado, frontliners at mga komunidad na malubhang tinamaan ng pandemic. P100 million naman ang ibinahagi ni Ang mula sa sarili niyang bulsa. Karamihan sa mga ito ay sa pamamagitan ng tax payments, patuloy na pasahod sa mga empleyado, at paggastos para sa ayuda.