Eastern Samar, bangungot ang kinakaharap dahil sa bagyo at Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Malala ang kalagayan ngayon ng Eastern Samar habang kinakaharap ang banta ng Covid-19 at Bagyong Ambo, sabi ni Governor Ben Evardone .

Si “Ambo” (international name: Vongfong), ang unang bagyong tumama sa bansa ngayong 2020, ay patuloy na rumaragasa sa lalawigan ng Samar.

Ayon kay Evardone, nahihirapan ang pamahalaang panlalawigan na magtagalaga ng mga evacuation centers sapagkat ang mga ito ay ginawang quarantine facilities para sa mga pasyente ng Covid-19.

“It’s a complicated situation right now in the province. We prepared our evacuation centers for COVID-19, but we have to deal with the evacuees of Typhoon Ambo. This is a nightmare for us here, (Malala ang sitwasyon ngayon sa lalawigan. Naghanda kami ng mga evacuation centers para sa Covid-19, subalit kailangan din naming kupkupin ang mga biktima ng bagyo” giit ni Evardone sa isang panayam.

Nananatiling nasa modified enhanced community quarantine ang Eastern Samar bilang low-risk area for COVID-19 infections.

“Sa ngayon, urgent yung hagupit ng bagyo. Pero siyempre hindi naman ibababa yung aming pagbabantay sa COVD-19 na ito, kasi mas malaki ang peligro nito at long-term,” dagdag pa ng gobernador.

Bukod sa kawalan ng evacuation centers, malaking problema rin ang pagpapatupad ng social distancing sa mga ito. 

Giit ni Evardone, “Problema namin ay saan namin isiksik yung aming kababayan at paano namin ipa-practice yung social distancing dun sa mga evacuation centers. So double time talaga kami dito.”

Dagdag rin sa naturang bangungot na ito ang pagpalya ng mga communication facilities ng mga pamahalaang lokal dahil sa madalas na power interruption. Aniya ni Evardone, “Some municipalities have no communication facilities right now. So we have a big problem here (Walang communication facilities ang ilang munisipalidad kaya malaki ang problemang kinakaharap natin)”.

Inamin ng gobernador na mababa na ang pondo ng lalawigan. “We have been dealing with this COVID crisis in the past two months, and most of the resources of the LGUs are depleted right now (Naubos na ang pondo ng mga LGUs dahil ginamit ito sa pagresponde sa Covid-19 sa nakaraang dalawang buwan),” banggit pa niya.

Gayunpaman, sisikapin ng pamahalaang panlalawigan at mga frontliners na mag doble kayod. “Yung mga frontliners namin, although exhausted na sila, kailangan naming lumaban,” wika ni Evardone.

LATEST

LATEST

TRENDING