10,000 indibidwal, inilikas dahil sa Bagyong Ambo sa Samar; buong lalawigan walang kuryente

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Photo: CNN PH

Nasa 10,000 indibidwal ang inilikas sa Northern Samar matapos itong hagupitin ng Bagyong Ambo, nitong Huwebes. Ayon sa isang opisyal ng PAG-ASA, nagtataglay ang naturang bagyo ng mabigat na ulan at malakas na hangin. 

Sa isang panayam kay Rei Josiah Echano, pinuno ng Northern Samar provincial disaster risk reduction and management office, aabot sa 9,700 ka tao ang inilikas sa mga evacuation matapos hagupitin ni Ambo ang naturang lalawigan at iniwang sira ang mga kable ng kuryente at communications. Dagdag pa niya, dahil sa COVID-19 pandemic, kinakailangan pa ring obserbahan ang physical distancing at iba pang palisiya laban sa paglaganap ng virus..

Namahagi na raw ng relief goods sa mga evacuation bago pa man ang pagdating ng bagyo. Subalit, patuloy pa rin ang pag-apela para sa karagdagang relief goods dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga evacuees na posibleng pumalo ng 300,000. Igniit din ni Echano na kinakailangang maghintay ng tatlong araw bago makumpirma ang lawak ng pinsala sa lalawigan.  Aniya ni Echano “We will send out rapid damage assessment team po…papadala po namin ito sa affected areas,(Ipapadala po namin ang rapid damage assessment team sa mga “.

Ang Bagyong Ambo, na naglandfall sa San Policarpo, Eastern Samar, ang kauna-unahang bagyong pumasok sa bansa ngayong taon. Ito ay may taglay na maximum sustained winds na aabot sa 155 kilometers per hour at 190 kph gusts sa ganap na 1 P.M, sabi ng PAGASA. Posible rin ang pagkakaroon ng 2 hanggang 4 metro na taas ng storm surge na maaaring tumama sa Northern Samar, Eastern Samar (east coast), Samar (west coast), Sorsogon, Albay, Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte, Quezon at Aurora.

LATEST

LATEST

TRENDING