MAYNILA—Itinaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nuong Huwebes ng umaga ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 3 sa malaking bahagi ng Eastern Samar at sa karatig na probinsya dahil sa Bagyong Ambo, na may internasyunal na pangalan na “Vongfong.”
Sabi ng PAGASA na asahan na tumuntong sa lupa ang bagyo sa northeastern part ng Northern Samar sa hapon ng Huwebes bago ito rumaragasa papunta sa Sorsogon at ibang parte ng Southern Luzon.
“Violent winds ranging from 121-170 kilometers per hour and heavy torrential rains of the eyewall region may begin affecting Northern Samar and Eastern Samar within 12 hours”, ayon sa PAGASA.
Itinaas ang TCWS No. 3 sa mga lugar na ito: Northern Samar province at ang northern portion ng Eastern Samar province, na kasali ang Jipapad, Arteche, Maslog, Dolores, Oras, San Policarpio, Canavid at Taft. Kasama rin ang northern portion ng Samar province katulad ng Calbayog City, Sta. Margarita, Gandara, Pagsanghan, San Jorge, Matuguinao, at San Jose de Buan.
Sa kabilang dako, ang mga lugar na nakataas ang TCWS No. 2 na may lakas na 61-120 kilometro kada oras ay ang Catanduanes, ang eastern portion ng Camarines Sur, na kasali ang Siruma, Tinambac, Goa, Lagonoy, San Jose, Garchitorena, Presentacion, Caramoan, Calabanga, Bombon, Magarao, Canaman, Camaligan, Gainza, Pamplona, Naga City, Milaor, San Fernando, Minalabac, Pili, Ocampo, Tigaon, Bula, Baao, Sagñay, Iriga City, Buhi, Nabua, Balatan, Bato, at Ticao Islands, kung saan nandoon ang San Pascual, Claveria, Monreal, San Jacinto, San Fernando, Batuan, Aroroy, Baleno, Masbate City, Mobo, Uson, Dimasalang, Palanas, Cataingan, at Pio V. Corpuz.
Kasama din sa naturang signal No. 2 ang central portion ng Samar, na kasali ang Tarangnan, Catbalogan City, Jiabong, Motiong, Paranas, San Sebastian, Hinabangan, Tagapul-an, Almagno, Sto. Niño, at ang central portion ng Eastern Samar tulad ng Sulat, San Julian, Borongan City, at Maydolong.
Nagdala rin ng mabigat na ulan ang Bagyong Ambo sa maraming lugar ng Mindanao kung saan pinalaki nito ang mga kasapaan at nagbanta ng baha at landslides. Isang malakas na ulan ang naranasan sa
Davao City ala 1:00 ng madaling araw nuong Huwebes na nagpa-alarma ng mga residente na naninirahan malapit sa Davao at Talomo rivers tulad ng Calinan, Mintal, Callawa, Mandug, Tigatto at Maa.
May ulat din ng malakas na pag-ulan simula pa nuong gabi ng Martes sa Tacurong City, Maguindanao na nagdala ng grabeng baha sa lungsod. Ang pamilya ni Mila Alining, isang residente ng Tacurong City ay kailangang lumikas sa kanilang bahay pagkatapos tangayin ng malakas na hangin ang bubong ng kanilang bahay.