UP nagbigay-pugay sa 22 alumni na nasawi sa Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MAYNILA—Walang magandang paraan sa pagkilala sa kadakilaan ng tao sa nakamit nila sa buhay o sa naambag nila sa sambayan kondi ang pagkikilala na ibinigay sa kanilang kasamahan.  At ito nga ang nakamit sa 22 na mga alumni ng University of the Philippines (UP) na namatay dahil sa Covid-19.

Nuong isang linggo ay ipinasapubliko ng UP ang 3-minutos na video na nagpugay sa kabayanihan ng mga frontliners sa pakikipagdigma sa pandemic.  Ipinakita nitong video ang kanilang kontribusyon sa sambayanan sa pagbigay ng serbisyo sa mga nagkakasakit hanggang sa kanilang katapusang hininga. 

 “They died alone, with no relatives around to hold their hands as they breathed their last.  Some still have to be buried, and others were cremated with no ceremony and no one to bid them goodbye,” sabi ng UP sa kanilang pahayag.

Ayon sa UP, ang unang frontliner sa kanilang hanay na nasawi sa virus ay si Dr. Greg Macasaet, isang anesthesiologist sa Manila Doctors Hospital.  Nawalan din ang state university nila ni Dr. Marcelo Jaochico, ang provincial health officer sa Pampanga; Dr. Raul Jara, na nakilala bilang haligi ng cardiology sa Pilipinas; Dr. Francisco Lukban ng Capitol Medical Center; Dr. Salvacion Gatchalian, assistant director ng Research Institute for Tropical Medicine; Dr. Leandro Resurrection III ng Philippine Children’s Medical Center; Dr. Dennis Ramon Tudtud, isang kilalang oncologist sa Cebu; at Dr. Ephraim Neal Orteza ng Ospital ng Parañaque, at iba pa.

Ang bilang ng mga health workers na nahawa sa Covid-19 ayon sa talaan ng Department of Health (DOH) sa Pilipinas ay umabot na ng 1,934, kasama na nito ang 34 na namatay at 449 na naka-recover.

Kinilala din ng state university ang pagkamatay ng beteranong aktor at alumnus din na si Domingo “Menggie” Cobarrubias na may sobra 100 na pelikula at TV productions. Namatay siya dahil din sa Covid-19.

Ang pinakakilala sa mga UP Alumni na namatay dahil sa Covid-10 ay si dating Senador Heherson Alvarez na naging aktibong environmentalist pagkatapos nitong nanungkulan bilang senador nuong 1987 hanggang sa 1998.

LATEST

LATEST

TRENDING