Malacañang sa simbahan: Sumangguni sa LGU

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MAYNILA—Sinabi ni Secretary Harry Roque, tagapagsalita ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Disease (IATF) nuong Martes, Mayo 12, na dapat kausapin ng mga simbahan ang opisyal ng kanilang mga lokal na pamahalaan tungkol sa pagbukas muli ng kanilang mga religious activities.

“Marami naman sa kasamahan natin sa IATF ang gusto nang ibalik ang pagbukas ng simbahan ngunit ang mga opisyal sa local government units ang ayaw,” sabi ni Sec. Roque.  

Ito ang sagot ni Secretary Roque sa isang tanong ng media tungkol sa hiling ng apostolic administrator at Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa IATF na tingnan muli ang kanilang desisyon na hindi pa ibalik ang pagbukas ng simbahan.

Ngunit, ayon kay Roque na hindi nakasali ang hiling ng Obispo ng Manila sa agenda sa pagtitipon ng IATF kamakailan lang.  Sabi niya na mas mabuting kausapin nila ang mga opisyal at siguradohing masunod ang mga panuntunan upang ligtas sila sa kanilang relihiyusong gawain.  Sabi rin niya na nuong unang linggo ng Mayo ay inapruba ng IATF ang pagbukas muli sa simbahan ngunit hindi ito sinang-ayunan sa mga lokal na opisyales. 

Sa isang nalathalang ulat, sinabi ni Bishop Pabillo na, “religious services are also essential services. Allowing people to go back to church and thank the Lord, to ask for his protection and implore his help, are deemed very important by the people.”

Nakagawa na ang Archdiocese of Manila ng panuntunan na kanilang gamitin sa lahat na relihiyusong gawain na galing din sa mga panuntunan ng IATF at Department of Health upang manatiling ligtas ang pagsamba ng kanilang kasamahan.

Kasama sa mga bagong patakaran sa “safety practices” na sundin sa lahat na magsimba ay ang pagsuot ng maskara sa mukha, at ang physical distancing kung saan limitahan ang bilang ng makapasok sa simbahan kada misa nito.

Limitado na rin ang kasama sa pari sa altar, mga katura at tumutulong nito.  Bawal na rin ang paghawak kamay tuwing kantahin ang Ama Namin at ang paglamano sa tuwing gawin ang “symbolic signing of peace.” Ipinagbabawal din ang paghalik sa mga imahen sa simbahan at ang paggamit sa Banal na Tubig na nasa pintuan ng simbahan.

LATEST

LATEST

TRENDING