“300K COVID tests bawat buwan, kayang gawin ng Philippine Red Cross”—Sen. Gordon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MAYNILA—Ang malawakang Covid-19 testing ay isa sa mga rekomendasyon ng mga eksperto upang maiwasan ang “seond wave”  ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa.  

Sa kasalukuyan, ang Department of Health (DOH) ay nagbigay ng akreditasyon sa 28 na Covid-19 testing centers sa bansa.  May kabuuhang kapasidad ito na makagawa ng 28,000 na pagsusuri bawat araw kung ang lahat na center ay may isang makina na makaka-proseso ng isang libo kada araw at may mga testing kits na magagamit.

Ayon kay Dr. Tony Leachon, isang consultant sa Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Disease, may dalawang uri ng pagsusuri; ang una ay ang ‘rapid antibody test’, at ang pangalawa ay ang ‘reverse transcription polymerase chain reaction’ (RT-PCR).  Ang RT-PCR test ay makaka-detect ng virus sa katawan ng tao, at ang rapid antibody test naman ay maka-detect ng ‘antibodies’ na lumalaban sa virus.

Sabi ni Senator Dick Gordon, chairperson ng Philippine Red Cross (PRC) sa isang panayam sa radio-TV nuong Martes na nakabili sila ng 8 units na testing machines at may darating pang 4 ngayong buwan.

 “We already anticipated the problem kaya bumili na kami ng mga testing machines. Hindi biro yon ha, Php 16-milyon ang kinakailangan to setup a center,” sabi niya. “Kung matutuloy itong lahat sa amin, we can have a capacity of about 30,000 per day at baka makakahabol na tayo,” sabi ni Sen. Gordon.

Napansin ni Gordon na mas mabilis and proseso sa pagsusuri kung ang magpadala ng ipapasuri na mga tao tulad ng local government units at ospital ay siyang gagawa ng “swabbing, collection of personal circumstances and barcoding” na hindi nila kayang gawin sa kalukuyan. 

Ang halaga ng bawat pagsusuri na babayaran sa PhilHealth ay Php 3,000 hanggang Php 4,000.

LATEST

LATEST

TRENDING