Limitahan ang residente ng barangay sa 15,0000—Rep. Barbers

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

SURIGAO CITY—Surigao del Norte House Representative Robert Ace Barbers ay nagsabi na panahon na upang pag-aralan ng pamahalaan ang dami ng populasyon ng barangay upang mas mahusay ang pagpadala ng serbisyo at programa sa kanila.

“Sa aking pananaw at opinyon, mababawasan ang kurapsyon nito at madali na silang mababantayan. Malaking din ang tulong na maibigay nito sa national government,” sabi ni Rep. Barbers sa isang live TV-radio interview ng DZBB nuong Linggo, na sinubaybaayan ng Sandigan News at Banat Pilipinas News

Ang panukalang batas ni Barber sa paghati ng mga barangay ayon sa dami ng mamamayan nito ay hindi na bago.  May mga panukala na noon ang ilang kongresista at sangguniang panlungsod ngunit hindi nagtagumpay. Ang kanilang kagustuhan na pagdagdag, pag-isa, o paghati sa barangay tulad sa Barangay Bagong Silang ng Caloocan City ay hindi natuloy sa kongreso at sa sanggunian dahil sa maraming dahilan, isa na dito ang pulitika. 

Ang Republic Act 7160, o ang Local Government Code of 1992, as amended, ay nagtakda ng populasyon na hindi bumaba ng 2,000 ang isang barangay ngunit hindi ang limit nito.  “Ang census ay nangyari nuong 2015 pa at ayon sa National Statistics Authority, halos 2 percent ang dagdag nito every year kaya lumaki talaga ang barangay,” sabi ni Rep. Barber.

Alam ni Barbers na dadaan sa masusing pag-aaral ang kanyang panukalang batas sa kongreso kaya dapat na magsasagawa sila ng konsultasyon sa League of Cities, League of Barangays at iba pang interest groups upang mapag-usapan ang mga isyu tungkol dito.

“Ngunit sa nakita nating hirap sa pamamahagi ng tulong sa Social Amelioration Program sa mga malalaking barangays, mas madali siguro kung limitahan natin ang number ng mamayan sa isang barangay basta ang objective natin ay ang effective and efficient delivery of services and programs of the government,” sabi niya. 

Ang kanyang panukala na limitahan ang populasyon o residente ng isang barangay sa 15,000 ay isa ring pagtugon ng problema sa peace and order ayon kay Rep. Barbers.  Sabi niya na madaling malaman ng Barangay Captain kung mayroong bahay sa terorista o ang apartment na nasa kaniyang barangay ay ginagamit na shabu plant.  

Umaasa si Rep. Barbers na susuportahan ang kanyang panukala ng kaniyang mga kasama sa kongreso at senado.  “Mas madaling malaman na may gumawa ng bomba sa barangay dahil konte na lang ang babantayan ni kapitan,” sabi ni Rep. Barbers.

LATEST

LATEST

TRENDING