CSC-DOLE-DOH, nagpalabas ng joint memo ukol sa “work safety and health standards” sa mga manggagawa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MAYNILA—Ang Civil Service Commission (CSC), Department of Labor and Employment (DOLE) at ang Department of Health (DOH) ay naglabas ng CSC-DOH-DOLE Joint Memorandum Circular No. 1, series of 2020, upang masiguro na maayos ang kalusugan at kaligtasan ng mga manggagawa ng pamahalaan sa kanilang tanggapan. 

Sinabi ni CSC Commissioner Aileen Lizada sa isang panayam sa DZBB, nuong Martes na ang joint memorandum na magiging epektibo ngayong Mayo 22, ay naglalayon na gawing ganap na panuntunan ang occupational safety and health (OSH) sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan upang maiwasan ang panganib sa mga manggagawa. 

Ang pagpalabas nito ay nasa tamang panahon at kinakailangan dahil sa krisis sa kalusugan na dala ng Covid-19 sa bansa. Sabi niya, “nandito po sa Memorandum Circular ang mga guidelines na magamit sa heads of office sa mga tanggapan at ahensya ng gobyerno upang makagawa sila ng sariling OSH at manatiling ligtas ang kanilang mga mangagawa lalo na ngayon na may pandemic.”

Ang nasabing panuntunan ay may listahan ng mga maayos na kalagayan sa trabaho at pamantayan nito na kinailangang sundin ng mga ahensya ng pamahalaan, kasama na ang pagbigay ng “OSH standard-compliant personal protective equipment” (PPE) sa kanilang manggagawa, at iba pa.

Hinimok din ng CSC ang mga ahensya at tanggapan na nasa enhanced community quarantine (ECQ) o general community quarantine (GCQ) na sundin ang mga alternatibong paraan ng trabaho tulad ng pagtrabaho sa bahay, magtakda ng “skeletal work force,” ang “4-day compressed work week,” at iba pang kasunduan sa trabaho.

“Basta malinaw lang ang work plan at deliverables ay pwedeng magkasundo ang head of office sa kanyang mga personnel kung anong arrangement sa trabaho.  Kung may conference room sila, ang iba ay may training center at facilities na hindi nagamit ay pwedeng gawing pansamantalang lodging house ng kanilang staff, sa gusto lang, upang hindi na sila uuwi o magtravel ng malayo,” sabi ni Lizada.

Iminungkahi din ni Commissioner Lizada sa mga hepe ng tanggapan na mag-outsource ng kanilang transportasyon sa mga pribadong may-ari ng bus at van na siyang magsusundo ng kanilang mga mangagawa. “Tingnan nila ang budget at baka pwede nilang i-hire yong mga van na naka-standby lang dahil sa Covid upang gawing shuttle bus para sa mga personnel nila.  Open pa ang franchise ng shuttle bus sa Land Transportation Franchising Board” dagdag pa ni Lizada

LATEST

LATEST

TRENDING