Rep. Sarmiento: Handa na ang sistema ng transportasyon sa GCQ, dry run tuloy

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA—Ang Chairperson ng Committee on Transportation ng House of Representatives, Samar Representative Edgar Mary Sarmiento ay nagsabi na handa na ang lahat sa sektor ng transportasyon sa gagawing pagbabago sa enhanced community quarantine (ECQ) pababa sa general community quarantine (GCQ) sa maraming lugar ng Metro Manila at sa bansa.

Ayon pa ni Rep. Sarmiento sa isang panayam sa radio-TV nuong Linggo, na nasa Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Disease pa rin ang desisyon kung tugunan ba nito ang rekomendasyon ng mga mayor sa Metro Manila tungkol sa estado ng ECQ.

“They have to weigh kung ano ang importante, ang buhay ba o hanapbuhay. Pero sa sektor ng transportasyon ay masaya kong sabihin na all systems go na,” sabi ni Rep. Sarmiento tungkol sa maging aksyon ng IATF sa rekomendasyon ng Metro Manila Development Council sa ECQ na pahabain pa o dahan-dahang ibaba na ito sa GCQ sa pagtitipon nito nuong Biyernes, Mayo 8.

Sabi niya na masaya siya sa sektor ng transportasyon dahil nangako si Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at iba pang kasapi sa sektor sa transportasyon na handa na sila lahat, ang railways, maritime, airlines, bus at ang seguridad na maibigay ng Philippine National Police.

“I was assured by DOTr Secretary Arthur Tugade and LTFRP chairperson Atty. Martin Delgra III that the LRT and MRT are ready, the bus stops, and the fielding of 4,600 buses in Metro Manila, but maintaining at least 50 percent capacity to observe the social distancing requirement when their operation would start anew,” sabi ni Rep. Sarmiento.

Ngunit iginiit pa rin ni Sarmiento na magsagawa ng dry run nga gawin ngayong Martes sa land transportation dahil ito ang mahirap manmanan dahil sa dami ng pasahero.

“Mas mahirap ang sa jeepney at sa tricycle but Atty. Delgra told me that LTFRB will issue an Memorandum Circular on Monday, May 11, setting the guidelines for the post-ECQ transportation scenario”, sa pagpatuloy ni Rep. Sarmiento.

LATEST

LATEST

TRENDING