Provincial Governor ng Guimaras nagbunyag sa sekreto na wala silang kaso ng Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

ILOILO CITY—Hindi nakitaan ng sinyales ng Covid-19 related stress si Governor Dr. Samuel Gumarin nang siya’y humarap sa isang panayam sa PTV 4’s Laging Handa Forum nuong Biyernes, na sinubaybayan ng Sandigan News at Banat Pilipinas News.

Ang probinsya ng Guimaras ay parte ng Rehiyon 6 at isa sa mga probinsya sa bansa na Covid-19 free. Nakilala ang probinsya sa matamis na mangga at likas na yaman. Pagkatapos ng Covid-19 pandemic, maaring makagawa ng malalim na pagsisiyasat upang malaman ang best practice ng probinsya sa pagsugpo ng emerging infectious disease sa isang isla kahit sa maliit na pundo at limitado ang pasilidad nito.

“Maliit lang kami kaya medyo nadali naming na-manage ang pag-spread ng virus ngunit mas nauna kaming gumawa ng preventive measures upang hindi makapasok ang virus,” sabi ni Gov. Gumarin na isa ring doktor sa medisina.  Ayon sa kanya na nakakatulong ang kaalaman nila sa medisina upang masugpo ang pagbugso ng virus.

“Halos lahat na mga official namin ay mga medical practitioners.  Si former governor namin at ngayon House Representative JC Rahman Nava ay expert ng tropical medicine.  Mga mayor at bise-mayor ay may medical background kaya naunawaan namin ang galaw ng sakit na ito at napaghandaan namin kung ano ang gawin,” sabi ni Gov. Gumarin.

Pagkatapos inanusyo ng Department of Health (DOH) ang unang Covid-19 positive ng bansa nuong Enero 30, ang pamahalaan ng lalawigan ay daling gumawa ng istraktura para nito kahit hindi pa ito dumating sa kanilang lalawigan.  Nagbalangkas sila ng General Response Plan gamit ang standard medical practice ng DOH.

“Nag-umpisa kami sa pagtatag ng Covid-19 Executive Committee na kasapi ang lahat ng mayor sa aming probinsya,” sabi ni Gov. Gumarin. Sabi rin niya na may tatlong level ang tugon nila.  Ang Level 1 ay ang Lockdown sa isla sa ibang isla ng rehiyon; Level 2 ay ang Enhanced Community Quarantine, at ang Level 3 ay ang Boarder Control. 

Sabi niya na ginawa nila ang Level 1 sa kooperasyon ng pamahalaan ng Lungsod ng Iloilo kung saan binantayan nilang maigi ang daloy ng tao galing sa Iloilo City papunta sa Guimaras Island.

“At dahil Level 1 lang ang mga ospital namin, gumawa kami ng ‘Covid Dropping Points’ na contained area kung saan dadaan ang lahat na pumasok sa probinsya at mga munisipyo.  May ganuon ding facility ang mga ospital na bago makapasok ang pasyente o sino man sa ospital ay dumaan muna nito upang hindi mahawa ang mga medical frontliners at mga doktor namin,” sabi ni Gov. Gumarin.

LATEST

LATEST

TRENDING