“Huwag tayong umasa ng milagro sa Balik Probinsya Program”—DILG

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MANILA— “Ito ay pangmatagalang programa. Huwag po tayong ma-expect ng milagro dahil kailangan nating pag-aralang mabuti ang programang ito,” pahayag ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya sa panayam sa DZBB nuong Biyernes na sinubaybayan ng Sandigan News at Banat Pilipinas News

Ito ang komentaryo ni USec. Malaya tungkol sa Balik Probinsya Program (BPP), isang programa na inihain ni Senador Bong Go, upang maibsan ang lubhang pagsikip ng tao sa Metro Manila at iba pang sentro sa kalakalan sa bansa at upang mapalaganap ang kaunlaran sa ekonomiya at imprastraktura sa kanayunan.

Sinabi niya na binuo ang isang BP Council na pinangunahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa bisa ng Admistrative Order No. 114 na bago lang pinalabas ni Presidente Rodrigo Duterte na siyang magsagawa ng plano at panuntunan sa naturang programa. 

“The program has three stages, the immediate, medium-term and long-term.  Under the immediate ay ang madaliang pag-uwi sa sinumang gustong umuwi sa kanilang probinsya.  Katulong natin dito ang Department of Transportation na tutugon sa pangangailangan ng transportasyon,” sabi ni USec. Malaya.

Sinabi rin niya na kinakailangan ng suportang pinansyal galing sa national sa local government units (LGUs) upang matugunan ang pangangailangan ng pamilya.  Kailangan nating ayusin ang ekonomiya at imprastraktura sa kanayunan upang mabigyan sila ng trabaho at pagkakikitaan.

“Kung hindi natin matutugunan ito, babalik at babalik talaga ang mga pamilya sa Maynila,” giit pa ni USec. Malaya.

Patuloy pa niya na kailangan ang isang komprehensibong plano upang maging tagumpay ito.  May mga programa na ang gobyerno sa LGUs tulad ng mga training sa TESDA ngunit ayon kay Malaya, kinakailangang pag-aralan din kung ano ang insentibo na maibigay sa gobyerno sa mga negosyong namuhunan sa kanayunan pati ang pagtulong sa mga micro, small and medium enterprises na makabigay ng trabaho sa pamilya, at ang pagseguro sa peace and order.

“Kung walang peace and order, hindi magtagumpay ang programa,” sabi ni USec. Malaya.

LATEST

LATEST

TRENDING