SSS pensioner humingi ng tulong sa hirap ng panahon ngayon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

PANGASINAN—Isang open letter ang kumalat sa internet ngayon galing kay Abraham “Abe” P. Belena, isang retiradong manunulat at sakapi ng Social Security System (SSS) para kay Finance Secretary and SSS Chairperson Carlos Dominguez III.

Sabi niya sa kanyang sulat na kumakatawan siya ng 2.5 milyon na pensyonado ng SSS na naiwan at naipasantabi at lahat o anumang programa sa pamahalaan upang tulungan ang lubhang naapektohan sa nagpapatuloy ng Covid-19 na krisis sa hinaharap ng bansa.

Pinaunawa niya ni Sec. Dominguez na maraming kasama niya na SSS pensioner na tumangap lamang na maliit na buwanang pension na mas mababa pa sa tinanggap ng benepisaryo ng 4Ps na para sa pinakamahirap na mamamayan sa ating lipunan.

Sabi ni Mang Abe na ““this is sad because we earned our pensions with our own blood, sweat and tears in helping keep the national economy move forward during our prime years.”

Tutoong may ibang pensioners na nagpapatuloy pang nagtrabaho. Ang iba ay konteng pinagkakakitaan ngunit itoy maliit lamang kasya kita nila nuong silay bata pa.

Ngunit, sa panahon ng Covid-19 pandemic ay silay naging walang silbi at umaasa sa iba upang mabuhay.

“On government orders to stay home, we have been denied the right to add additional pesos to our meager pensions to spend our most basic of needs and buy our maintenance medicines. Under these circumstances, we face stark danger of keeping our body and soul together,” himutok ni Mang Abe.

Kaya nais niyang iparating ng kanilang panukalang gawin ni Sec. Domiguez para sa kanilang may edad na ubang mabuhay sa panahong ito bago maging mahuli pa ang lahat:  

  1. Itigil muna ang pagbayad sa buwan ng Abril 2020 sa lahat na babayaring utang sa buwanang pension ng retirees;
  2. Ibigay na ang kahit kalahati ng 13th month pensions sa mga retirees; at
  3. Ipagpatuloy na ang pagbibigay ng pangalawang bugso ng buwanang Php 1,000 across the board pension adjustment na ipinangako ng pamahalaan sa taong ito.

Patuloy pa ni Mang Abe na hindi sila humihingi nga abuloy kondi ang pag-unawa at habag sa mahirap na panahong ito. “We are not asking for dole-outs, Mr. Secretary.  We only seek compassion and social justice from the SSS to elderly members.”

LATEST

LATEST

TRENDING