Sen. Ralph Recto: Isama ang pribadong sektor sa national ID system, magbukas ng bank account sa pamilya

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MAYNILA—Nag-umpisa ang sesyon ng 18th Philippine Senate nuong Lunes upang malaman ang kalagayan ng bansa na nasalanta ng Covid-19 pandemic.  Nais malaman ng mga senador sa presidente at gabinete nito ang ginawa nila, ano ang kulang, ano pa ang kinakailangan upang makagawa ng kaukulang plano sa hinaharap.

Ito ang naging sagot ni Senate Pro Tempore Ralph Rector sa isang panayam sa radio-TV na sinubaybayan ng  Sandigan News at Banat Pilipinas News nuong Huwebes nang siya’y tanungin kung ano ang maging direksyon ng senado ngayon na magtatapos na ang enhanced community quarantine. 

“Marami tayong pag-uusapan dahil sa malubhang kalagayan sa kalusugan at sa ekonomiya.  Sa palagay ko lahat ng sektor ay tinatamaan.  Anong gawin natin sa 20-30 milyon na nawalan ng trabaho?  Paano makalikom ng revenues pangtustos sa gasto ng gobyerno? Anong tulong na maibigay natin sa negosyo, mga micro, medium at small enterprises,” sabi ni Sen. Recto.

Nais ni Sen. Recto na ang sesyon sa senado ay hindi maghanap ng mali o mag-akusa kung sino ang nagkamali bagkos ito ay panahon upang makagawa ng mga hakbang sa hinaharap. “Kung ginawa lang sana yang national identification (ID) system, madali sanang magbigay ng tulong sa dapat tulungan”, sagot ni Sen. Recto sa tanong tungkol sa nangyaring kagulohan sa listahan ng mga makakatanggap ng ayuda galing sa Social Amelioration Program ng DSWD at DILG.

Ayon kay Sen. Recto na hindi nakaumpisa ang national ID system dahil akala ng pamahalaan na kaya nitong magpatupad nang mag-isa. “We need the support of the private sector to make it happen,” sabi niya.  

Sinabi pa niya ang national ID system sa ibang bansa ay nakaugnay sa banking system.  Kung ang isang tao ay gustong kumuha ng national ID, siya rin ay mabigyan ng bank account.  “Automatic na may bank account siya.  Lahat ng citizens nila may bank account na.  Pati ang bagong anak na bata may sariling bank account na magamit niya sa buhay,” ayon kay Sen. Recto.  

Naniwala si Sen. Recto na kung may bank account ang lahat tulad ng ginawa ng DSWD sa mga benepisaryo ng 4Ps, mas madali sana ang pagpamahagi ng tulong na galing sa pamahalaan.

Nuong Abril, inanunsyo ng National Statistics Authority na nakabili na sila ng sopistikadong kagamitan para sa ID system pati na ang “iris scanner” at pinadali nila ang roll-out sa kanilang pagkuha ng datos sa mga mamamayan na dapat sa Hulyo 2020 pa sana.

LATEST

LATEST