Covid-19 pandemic pinadapa ang Marco Polo Hotel Davao

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

DAVAO CITY—Maari nang tawagin ang coronavirus disease-2019 (Covid-19) pandemic na pandaigdigang krisis medikal at sa ekonomiya.  

Isa itong bangungot na nagpabagsak sa sistema ng kalusugan sa ano mang bansa, at isang malaking daluyong na nagpabankaruta sa kaban ng pamahalaan at humahatak pababa sa ano mang nakatayong kalakalan at merkado nito.

Isa sa malubhang tinatamaan ay ang negosyo sa hotel at restaurant ng bansa. Sa isa nalathalang ulat nuong Biyernes, sinabi nito na ang Marco Polo Davao ay samantalang nagsara ng kanilang operasyon dahil sa malubhang epekto ng Covid-19 pandemic sa kanilang pinansyal na kalagayan. 

Ayon sa isang opisyal ng Halifax Davao Hotel Inc., na hindi gustong malathala ang kanyang pangalan ay nagsabi na “(Marco Polo) management chose to prioritize the well-being of its employees by giving them separation pays.”

Ang Marco Polo Davao ay kasapi ng Halifax Group of Hotels na itinayo sa panahon ni Pangulo Fidel V. Ramos na siya ring nagbukas nito at madaling naging mahalagang landmark sa lungsod ng Davao.

Dahil sa kanyang magandang lokasyon, magaling na desinyo, masarap na pagkain at masinop na serbisyo ay naging paborito na ang Marco Polo sa mga dayuhan at lokal na turista at sa mga pagtitipon sa politika at negosyo.

Sabi ni Mr. George Hao, isang prominenteng negosyante sa Davao sa isang mensahe via Viber na pinadala sa Sandigan News at Banat Pilipinas News na matagal makabawi ang negosyo sa hotel kung ikukumpara sa iba.  “Maybe some crazy guys would offer to buy this,” sabi ni Hao.

Sinabi naman ng management ng Marco Polo Davao na masaya naman na tinanggap ng mga kawani ang nasabing desisyon ng kompanya.

LATEST

LATEST

TRENDING