PANACAN, DAVAO CITY—Dalawampung high powered firearms (HPFA) ay ibinalik sa Guerilla Front North ng New People’s Army (NPA) na may operasyon sa Agusan del Sur, Surigao del Sur, Davao De Oro, at Davao Oriental, sa Joint Task Force Agila ng the Eastern Mindanao Command nuong Linggo, May 3, 2020.
Ito ay galing sa ulat ng Eastern Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines sa media kasama ang Sandigan News at Banat Pilipinas News.
Ayon sa ulat, sa 10:00 ng umaga ng Mayo 3, ang mga taohan sa 66th Infantry Battalion (IB) na pinangunahan ni Ltc. Roman Mabborang sa pagtugon ng impormasyon na galing sa isang dating rebeldeng nagsurender, ay nakadiskubre sila ng dalawang kaban na may 9 na HPFA.
Ang unang kaban ay nasamsam sa Sitio Matigdaw, Barangay Marayag, Lupon, Davao De Oro na may 1 M60 machine gun, 3 M16 rifles, at 1 M14 rifle. Ang pangalawa ay nadiskubre sa Sitio Casunugan, Barangay Mahan-ub, Baganga, Davao Oriental kung saan nakuha ang 3 M16 rifles at 1 US M2 Carbine rifle.
Sa hapon, ang dating kasapi sa rebelde na nagsurender kay Ltc. Louie Dema-ala ng 67th IB nuong Mayo 2, 2020, ay sumama sa tropa sa 701st IB upang puntahan ang isa pang kaban ng armas sa may Sitio Spur 3, Barangay Aliwagwag, Cateel, Davao Oriental. Nadiskubre sa tropa ang 5 M16 rifles, 2 AK47 rifles, 1 M4 rifle, 1 M203 grenade launcher, 1 M14 rifle, at 1 M653 rifle.
Sa ulat ni BGen. Jose Eriel Niemba, Commander ng 701st IB na ibinigay kay MGen. Reuben Basiao, Commander of Joint Task Force Agila na malapit nang mawasak ang NPA North Front dahil sa sunod-sunod na pagbalik-loob ng mga regular na kasapi ng samahan sa nakalipas na buwan dahil sa walang humpay na collaborative peace and development efforts ng tropa sa gobyerno at local government units (LGUs).
Nuong Abril 16 and 17, 6 HPFA ng mga rebelde ang nakumpiska sa sunod-sunod na engkwentro sa may Barangay Campawan, Baganga, Davao Oriental. Tulad din nuong Abril 18, 2020, kung saan isang miyembro ang nagsurender sa 28th IB sa Dawan, Mati City kung saan nagdala siya ng 3 Garrand rifles, 3 landmindes at 2 45 calibre na pistol. Sa kabuuan, nasabat sa tropa ang 48 HPFA na galing sa North Front.
Dahil nito, nagpasalamat si MGen. Jose C. Faustino Jr., Commander ng Eastern Mindanao Command sa malaking nagawa sa tropa dahil sa pagtutulongan ng Task Force on Ending Local Communist Armed Conflict (TF-ELCAC) at sa mga LGUs.