MAYNILA—Ilang linggo lang pagkatapos pinahayag ang damdamin ng mga senior citizens tungkol sa matagal na nilang nilalayon na dagdag na diskwento sa kanilang bitamina, mineral at food supplement ay mabigyan na ito ng katuparan dahil sa pinalabas na Adminstrative Order ng Department of Health (DOH) kamakailan lang.
Sinabi ito ni election lawyer at senior citizen’s rights advocate na si Atty. Romulo Macalintal sa isang panayam sa radio-TV nuong Huwebes na sinubaybayan ng Sandigan News and Banat Pilipinas News. Sabi niya na may mabuting balita siya na galing sa DOH dahil may diskwento na sila sa kanilang bitamina, mineral at food supplements.
“Nilinaw ng Department of Health na dapat na mabigyan ng 20% discount ang ating mga senior citizens sa vitamins and minerals” sabi ni Macalintal. Dagdag pa niya niya na, “at inamin din mismo ng DOH na nagkamali sila at FDA sa desisyon nila nuong 2010 na hindi nila nasama ito kahit na malinaw na dapat kasama ito sa batas.”
Mag-10 taon na ang pagsabatas ng Republic Act 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010 ngunit hindi kasama sa bilang ng may diskwento ang vitamins, minerals at food supplements na ini-prescribe sa kanilang doktor. “Malinaw naman sa batas na kasali ito na dapat may discount dahil kinailangan ito upang madaling gumaling sa karamdaman ang senior citizen,” ang sabi ni Macalintal sa ibang panayam nito.
Ayon kay Atty. Macalintal na sumulat ang grupo nila kay DOH Secretary Francisco Duque III at Senador Bong Go na gumawa ng paraan upang kausapin si Sec. Duque tungkod dito. “Alam mo mga senior citizens, dapat magpasalamat tayo kay Sen. Bong Go dahil siya mismo ang tumawag kay Sec. Duque para ito agad ay maaksyunan,” sabi ni Macalintal.
Lininaw niya na ang diskwento sa vitamins, minerals at food supplement ay matanggap lamang sa mga senior citizens kung may ipapakitang prescription galing sa kanilang doktor na kasama ito sa medisina sa kanilang paggaling. “Mananagot din kasi ang pharmacy kung magbigay sila ng diskwento na walang kaukulang prescription ng doktor,” sabi muli ni Macalintal.
Pagkatapos ng dalawang linggo, nakatanggap sila ng kopya ng Administrative Order na galing sa DOH ngunit ang pagpapatupad nito ay 30 na araw pa pagkatapos itong ilathala sa newspaper at mabigyan ng kopya sa naturang Administrative Order ang UP Law Center. “Good news na naging bad news pa dahil ba’t matagal? Eh lockdown pa, walang tao doon sa UP,” himutok ni Macalintal.
Ganuon pa man, masaya si Atty. Macalintal at ang 9.4 milyon na mga senior citizens sa bansa na nagpapasalamat sa madaliang pagtugon ng DOH sa kanilang hinanaing at sa pag-unawa ni Sen. Bong Go sa kanilang kalagayan.