Bakbakan ng AFP at BIFF pumutok uli

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

COTABATO CITY—Ayon sa media report na dalawa ang namatay at isa ang sugatan ng nagsagupa ang elemento ng Armed Forces of the Philippines at mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) nuong Linggo ng gabi (Mayo 3), sa bayan ng Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao.

Kinilala sa Western Mindanao Command ang nasawi na sina Private First Class Vicente Gata Jr. at Private First Class Jermie Ombiang, na galing sa 57th Infantry Battalion.  

Nakadestino sila sa Barangay Talibadok upang magbantay at magpatupad ng enhanced community quarantine nang silay tinambakan sa hindi pa malaman na bilang ng teroristang BIFF.

Umabot ng 45 minutos ang bakbakan kung saan dalawa ang nasawi at isa ang sugatan sa panig ng militar at hindi nalamang bilang sa nasawi o nasugatan sa hanay ng mga rebelde.

Sa pahayag ni Lt. Gen. Cirilito Sobejana, Command Chief ng Western Mindanao Command ay sinabi niya: “We will make sure that these terrorists, who are obviously desperate to strike back during this time when we are all working to defeat the coronavirus, will pay for their treacherous acts.”

Ang mga ganitong armadong sagupaan ay nagpapatuloy sa iba’t-ibang lugar ng Mindanao kahit nasa gitna tayo sa Covid-19 pandemic.  

Nuong nakaraang buwan, nawalan din ng 11 sundalong mandirigma ang Western Mindanao Command sa bakbakan nito sa Abu Sayaff Group sa Tawi-tawi.  Marami ding ulat ng enkwentro sa New People’s Army sa ibang parte ng bansa pagkatapos tanggalin ang ceasefire dahil sa Covid-19 crisis.

LATEST

LATEST

TRENDING