NAPC naglunsad ng “Gulayan sa Bakod” program sa 3 mahihirap na rehiyon sa Visayas

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Photo Source: Rappler

CEBU CITY—Ang National Anti-Poverty Commission (NAPC) ay naumpisang namahagi ng pananim na gulay sa maliliit na gulayan sa tatlong pinakamahirap na rehiyon ng Visayas. Ito ang sinabi ni NAPC Secretary Atty. Noel Kinazo Felongco sa isang panayam ng media nuong nakaraang Biyernes.

Sinabi niya na ang commission at ang Department of Agriculture (DA) ay nasa unang bugso ng kanilang pagpamahagi ng pananim sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ).  Ang lugar na pupuntahan ng mga NAPC volunteers ay ang mahihirap na komunidad ng Central Visayas, Western Visayas, at Eastern Visayas, at ang Region 3 sa Luzon at Region 10 sa Mindanao.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) nuong 2018 ay makita ang poverty incidence sa nasabing Visayan region na: Central Visayas (17.5 porsyento), Western Visayas (16.4 porsyento); and, Eastern Visayas (30.9 porsyento).

Ayon kay Sec. Felongco, ang pagbibigay ng pananim na gulay ay bahagi sa programa ng commission na Kasambayanihan “Gulayan sa Bakod,” na kaakibat sa “Plant, Plant, Plant” Program na may pundo galing sa Bayanihan Law sa pagtugon ng Covid-19 krisis sa kalusugan at ekonomiya ng bansa.

“We are pushing backyard gardening now.  We need to help the poor folks boost their individual immune systems even as we strengthen the food security of each household during quarantine,” sabi ni Sec. Felongco.

May malaking community volunteers ang NAPC sa buong bansa na makakatulong sa pagpalaganap ng backyard gardening bilang tugon pangkalusugan sa Covid-19 pandemic at isang paraan upang makaahon sa ganap na kahirapan.

Ang mga pananim na ipamamahagi ng NAPC volunteers at DA ay upo, okra, ampalaya, talong, petsay, kalabasa at kamatis.

“Nais namin na mahihikayat ang mga mahirap sa backyard gardening lalo na ngayong wala silang magagawa sa kanilang bahay sa panahon ng quarantine,” sabi ni Sec. Felongco.

LATEST

LATEST

TRENDING