Sen. Marcos: Senado hindi susuportahan ang POGO

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MAYNILA—Sinabi ni Senador Imee Marcos, pangulo ng Senate Committee on Economic Affairs na mahihirapan na lumusot sa senado ang panukala na maging ligal ang Philippine Offshore Gaming Operation (POGO).

Ito ang naging pahayag ng senador sa isang panayam sa radio-TV na sinubaybayan ng Sandigan News at Banat Pilipinas News nuong Linggo, na nagsabi na may mas mahalagang pag-uusapan ang senado ngayon lalo na kung ano ang gagawin pagkatapos ng Covid-19 pandemic.

“Sa palagay ko talo yan, hindi yata mangyayari yan,  eh, sa akin lang ha, kung isumatutal ang lahat na perhuwisyo na dulot niyan, tulad ng krimen at paglabag sa batas, ay hindi yata sulit ang hirap,” sabi ni Sen. Marcos.

Nuong nakaraang linggo, niaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Disease ang pagbalik sa operasyon ng POGO basta sumunod ito sa panuntunan ng Department of Health.  Mungkahi din ni Presidente Rodrigo R. Duterte sa kongreso na magsagawa ng batas ubang gawing ligal ang operasyon ng POGO sa Pilipinas dahil sa maiambag nitong pera na panlaban sa Covid-19 pandemic.

“Baka magalit na sa atin ang China at hindi na tayo tulongan ng mga pangangailangan natin sa Covid-19 dahil sinabi nila na isara na ang POGO sa Pilipinas,” sabi pa ni Sen. Marcos.

Sinabi niya na naging sakit sa ulo ang POGO sa Philippine National Police dahil sa daming krimen na nangyari sa poder nila na ginawa ng kanilang mamamayan.  Ang ating Bureau of Internal Revenue ang nagproblema rin sa pagkuha ng tukmang buhis nila.

Ayon sa National Economic Development Authority, mahigit lamang na Php 73-bilyon ang nakulektang buwis na galing sa POGO.

“Ano ba yan?  Ang liit na ibinigay nilang buwis.  Mas malaki pa seguro ang ibinalik nila na kita sa China kaysa didto sa Pilipinas,” sabi ni Sen. Marcos.

Mas gusto ng senador na bigyan ng insentibo ang mga banyaga at lokal na mamumuhunan upang dito sila magnegosyo at may pupuntahan ang ating mga mangagawa na nawalan ng trabaho.  “Mga 2 milyon yata ang mawalan ng trabaho kaya’t bigyan natin ng incentives ang mamuhunan dito upang mayroon silang matatrabahoan muli,” sabi niya.

LATEST

LATEST

TRENDING