NTC naghain ng cease-and-desist-order vs. ABS-CBN; kongreso nabahala, nagbantang buwagin ang commission

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MAYNILA—Ang opisina ng National Telecommunication Commission (NTC) sa Maynila ay naghain ng cease-and-desist-order sa higanteng TV at radio network na ABS-CBN.

Nakasabi sa naturang cease and desist order na, “pursuant to relevant law, it is prohibited to build, to launch, to operate a broadcast station without securing a valid franchise from congress.” Ang 25-taon na prankisa ng network ay napaso nuong Mayo 4 at ang kanilang bagong aplikasyon ay dinidinig pa sa kamara de representante.  Binigyan ng 10 araw ang network upang makagawa ng tugon sa naturang order ngunit hindi maliwanag sa mga probisyon nito kung pwede pa bang magpapatuloy ang kanilang operasyon sa panahong ito.

Sa isang panayam sa TV ni NTC Deputy Commissioner Edgardo Cabarios, ilang oras pagkatapos natanggap sa network and cease-and-desist-order na sinubaybayan ng Saligan News at Banat Pilipinas News, sinabi niya na ayon sa kanilang legal team na “immediately executory” ang order ng NTC.  

“Hindi ko rin kabisado kung pwede ba kayong magpapatuloy sa pagbroadcast. Sa ABS-CBN na yan, may legal remedies naman, so you need to consult your legal team to tell you what to do,” sabi pa ni Cabarios.

Ayon kay Isabela Representative Antonio Albano, vice chair of the Committee on Legislative Franchise ng kamara na nabahala siya sa cease-and-desist-order ng NTC.  Sabi niya, “May maraming ginawang panukala na dinidinig namin sa kongreso sa pagtugon nitong Covid-19 pandemic crisis, paggawa ng stimulus package upang may makakain ang ating mamamayan, and here they cause this kind of problem, and I am much disturbed by this,” sabi ni Albano.

Sinabi pa niya na sa mga pagdining ng komite na dinaluhan ng NTC commissioners at Solicitor General Jose Calida, nangako sila na magbigay ng provisional authority sa ABS-CBN habang dinidinig pa sa kongreso ang kanilang bagong prankisa.  

Sabi rin niya na tatawagan nila agad ang atensyon ng NTC at nagbabala na magsagawa sila ng hakbang upang mabuwag ito sa hindi nito pagkilala sa kapangyarihan nitong  magbigay ng prankisa at hindi pagsunod sa mga alituntunin ayon sa batas.

Sa kabilang dako, hinikayat ni Bayan Muna Representative Carlos Zarate sa liderato ng kamara na magsagawa ng pulong sa kongreso upang mabigyan ng prankisa ang ABS-CBN.  “Tulad nang nangyari sa ibang franchise application na tumagal lang ng isang araw may franchise na. Baka pwede itong gawin,” sabi ni Zarate.

Ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ay nagpaabot din ng kanilang kadismaya sa ginawa ng NTC na tinawag nilang garapalan. Sabi ni Nonoy Espina, NUJP president na nagbigay ito ng mensahe na walang pakialam ang ating pamahalaan sa karapatan natin.  “Sobrang garapalan na ang ginawa. Wala namang violation. Bakit isara in this time na nangangailan ang bayan ng impormasyon.  I think they have crossed a line, hindi lang sa media, kondi sa taongbayan,” sabi ni Espina.

LATEST

LATEST

TRENDING