DepEd nagdeklara ng pagbukas ng klase sa Agosto 24; Sotto gustong si PRRD ang magtakda sa petsa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MANILA—Inanunsyo ni Education Secretary Leonor Briones nuong Martes na ang muling pagbukas ng klase sa school year 2020-21 ay sa Agosto 24 na.  Sinabi niya ito sa “Laging Handa” na pagpupulong.

Sabi ng kalihim na “Ang napili nating school opening date ay August 24. “Pero hindi ibig sabihin lahat pisikal papasok kasi may lockdown tayo.”

Hindi dinitalye ng kalihim kung paano sila nakapag-decide sa yaong petsa at kung ano ang “new normal” sa pagpunta sa eskwela pagkatapos ng Covid-19 pandemic.  Kung hindi na kailangan ang “physical presence” ng mga estudyante, ibig sabihin ba nito na bukas ang DepEd sa panukalang “virtual classes” gamit ang internet, at internet café ay maging “digital classrooms” sa mga bata, ng Department of Information and Communication Technology? 

Maraming lokal at banyagang eksperto sa medisina ang nagsabi na kinakailangan ng isa o dalawang taon bago makahanap at makagawa ng lunas o bakuna sa pagsugpo ng virus.  Ang Pilipinas ay kasama sa nagsasagawa ng “solidarity test” sa mga medisina na may potensyal na makalunas sa sakit. Nagbigay pa nga ng malaking babuya ang pamahalaan sa sinomang unang makagawa ng lunas nito.

Sa kabilang dako, hindi inaatras ni Senate President Vicente Sotto III ang kanyang panukala na ibigay ang kapangyarihan sa presidente ang pagtakda ng petsa sa pagbukas ng klase sa bansa kahit na may deklarasyon sa pagbukas ang DepEd.

Awtor si Senador Sotto sa Senate Bill No. 1438, na nag-amyenda ng Section 3 ng Republic Act No. 7977 or the Act on Lengthening of School Calendar na nagsasabi na “school year shall start on the first Monday of June but not later than the last day of August.”

Sabi ng senador na ang kanyang panukala ay magbigay ng panahon sa DepEd upang paghandaan ang “new normal” sa sistema ng edukasyon dahil sa Covid-19.  Ang panukalang ito ay tugon sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease na dahil sa walang kasegurohan kung gaano kalaki ng pinsala na dulot ng Covid-19, kinakailangang ilipat ang araw ng pasukan.

Si Senador Joel Villanueva ay nag-akda naman ng kaparehas na panukalang batas na nagbigay sa DepEd ng kapangyarihan na ibahin ang petsa sa pagbukas ng klase “in case of a declaration of state of emergency or state of calamity, or similar occurrence.”

LATEST

LATEST