PNP nangako ng makataong pagpapatupad ng ECQ at GCQ, humingi ng kooperasyon sa publiko

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA—Ang Philippine National Police (PNP) ay magsasagawa ng bagong panuntunan tungkol sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ), at general community quarantine (GSQ) sa bansa ngayong linggo.

Pinahayag ito sa tagapagsalita ng PNP na si Police Brigadier General Bernard Banac, sa isang panayam sa radio-TV na binantayan ng Sandigan News at Banat Pilipinas News, nuong Linggo.  Ayon sa kanya, ginawa ang naturang panuntunan sa isang direktiba ni PNP Chief Archie Francisco Gamboa upang maging gabay sa mga PNP personnel na nakadestino sa Covid-19 checkpoints at nagpapatupad ng ECQ at GSQ guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Disease.

Sabi ng tagapagsalita ng PNP na nanalig siya na maging makatao, mapagkalinga at nagrespeto sa karapatan ng mamayan ang gawin nilang mga operasyon. “Kahit wala pa ang bagong panuntunan, pinaalala namin sa aming mga kapulisan at personahe na ginawa natin ito upang ipakita ang pagkalinga at pagmalasakit natin sa ating kapwa. Hindi natin ginawa ito dahil galit tayo, bagkos ginawa natin ito upang maprotektahan ang ating mga kababayan na hindi magkasakit ng Covid-19,” sabi ni BGen. Banac.

Kamakailan, ang tanggapan ng PNP ay nakatanggap ng maraming ulat galing sa taong bayan tungkol sa di umano’y mga paglabag sa karapatan ng mamamayan sa 48 na araw ng lockdown. Nuong nagdaang buwan, ang Commission on Human Rights (CHR) ay nag-ulat na magsagawa sila ng imbestigasyon sa may 200 na kaso ng pag-abusong ginawa ng mga awtoridad sa quarantine checkpoints sa buong bansa.

“Minsan lang dahil sa pagod, sa anit, na na-expose ‘yong personahe natin sa stress ay kinapos minsan ng pasyensya.  Kaya kailangan talaga ng kooperasyon sa mamamayan at palagiing nasa bahay at pahabain din ang kanilang pasyensya,” sabi rin ni BGen. Banac.

Sinabi rin niya na pagkatapos ng Mayo 15, na deadline ng utos ng president na ECQ at GCQ, ay babalik na naman ang kanilang mga operasyon laban sa kriminalidad ng bansa.  “Pagkatapos nitong ECQ at GCQ malamang babalik na ang usual operations namin sa kriminalidad at droga ngunit sundin pa rin ang mga panuntunan na galing sa IATF tungkol sa Covid-19.”

LATEST

LATEST

TRENDING