MAYNILA—Tantya ni Senator Imee Marcos na umabot ng isang milyong micro, small and medium enterprises (MSMs) ng bansa ay hindi na makakabalik o hihina na sa kanilang operasyon pagkatapos ng pandemic at wala na ang enhanced community quarantine sa buong bansa. Umabot ng 50-60 porsyento ng mga manggagawa ang nasa MSMEs kaya ang kanilang pagkawala ay isang malaking dagok at suliranin sa bansa.
Sa selebrasyon ng Labor Day nuong Biyernes, sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na gumawa sila ng “recovery package” na makadagdag ng isang milyong “fresh jobs” sa Pilipino sa probinsya at magbigay ng subsidiya sa mga MSMEs.
Samantala, ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) naman ay nag-alay din sa kanilang online program na may 68 short courses mula sa pagluluto hanggang sa pag-ayos ng computer system.
Sinabi ni TESDA Director General Secretary Isidro Lapeña, nuong Biyernes na yung mga trabahante na nawalan ng trabaho at ang mga kabataan ay pwedeng mag-enroll sa sari-saring online courses at ang may gusto ang pupunta lamang sa kanilang web portal ubang magparehistro.
“Para may magawa ang ating mga kababayan, we came up with the TESDA Online Program” sabi ni Lapeña na nagpapatuloy na ang mga naturang kurso ay sang-ayon sa gusto at pangangailangan sa ating panahon at madaling mapagkikitaan sa mga kumuha nito. Mabigyan sila ng certificate of completion pagkatapos dumaan sila ng assessment test sa isang accredited technical school.
Ang mga kurso na inihanda ng TESDA ay: cookery, bread and pastry production, massage therapy, housekeeping, beauty care service, hot and cold meals preparation, fruit growing and vegetable gardening, food and beverage service, diesel engine tune-up, battery servicing, computer system servicing, at marami pang iba.
Nagsabi din ni Sec. Lapeña na “once na mag-normalize ang sitwasyon, kailangan mo magtake ng assessment kasi kailangan ng physical presence para ma-assess nila yung paggamit mo ng equipment at kung ang skills ay kwalipikado na.”
Libre ang mga kursong ito at walang limitasyon sa edad basta’t alam nilang gumamit ng computer. Ngayon may mahigit nang 152,000 ang nagpa-enroll sa naturang kurso. Yung mga interesado ang magsadya lamang sa e-tesda.gov.ph.