Senado may panukala para sa manggagawang apektado ng Covid-19; DOLE nangako ng dagdag 1-milyong trabaho

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Photo Source: PNA

MANILA—Samantalang nagdaus ng selebrasyon sa Labor Day ang bansa, ang mga senador ay gumawa ng hakbang upang maibsan ang epekto ng pandemic sa milyon-milyong manggagawa sa bansa pagkatapos ng lockdown at kung maaarin na silang bumalik sa kanilang dating buhay.

Si Senador Riza Hontiveros ay naghain ng Senate Bill No. 1441 o ang “Balik Trabahong Ligtas” na nagnanais na mabigyan ng life at health insurance coverage hanggang Php 1-million ang mga manggagawa na matamaan ng makakahawang sakit tulad ng Covid-19 sa panahon ng emerhensiya at isang taon pagkatapos nito.  Sabi niya na maprotektahan nito ang mga manggagawa at ang kanilang mahal sa buhay na maaring mahawa din sa kanilang sakit pagbalik sa bahay.

“Workers would be entitled to full payment of their medical bills if they got sick by the infectious disease, and would be presumed to have contracted the infection in the course of their work and would not be required to present proof of this,” dagdag pa ni Senator Hontiveros.

Sa kabilang ako, naghain din ng panukala si Senador Imee Marcos na mabigyan ng direktang “wage subsidy” hanggang 75 porsyento ng aktwal na payroll cost sa naapektohang negosyo.  Ang kanyang panukala na tinawag na Senate Bill No. 1431 ay naglayon na makabigay ng “economic recovery package” sa mga negosyo na grabeng natamaan sa krisis.

Ayon sa kanyang pag-aaral, isang milyong micro, small and medium enterprises (MSMEs) ay hindi na makabalik ng normal na operasyon pagkatapos ng Covid-19 krisis sa kalusugan at ekomomiya.

 “It is very important to save them,” sabi ni Senador Marcos. Tantya sa kampo ni Marcos na umabot ng Php 63-billion kada buwan ang kailangang subsidy ngunit hindi nakasulat sa kanyang panukala kung hanggang kailan ang tulong sa mga negosyante. 

Samantala, ang Malacañang at ang Department of Labor and Employment (DOLE) ay mag-ulat pa tungkol sa sinabi nila na “stimulus package” na makadagdag ng isang milyong trabaho sa buong kanayunan ng bansa. Isa nito ang pagdesinyo na ang mga trabaho na kinakailangan sa government public projects ay ibigay sa mga lokal na manggagawa, at iba pang paraan.

Nuong Huwebes, nangako si DOLE Secretary Silvestre Bello III ng “fresh one million jobs” sa mga trabahante na naapektohan sa ECQ lockdown sa mga probinsya.

Ngunit parang kulang ang kanyang pangako dahil ang tantya ng DOLE mismo sa mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa temporaryong pagsara at paghina sa negosyo sa unang limang linggo sa ECQ ay umabot ng dalawang milyon.

LATEST

LATEST

TRENDING