RP umaagal sa China sa pagtatag ng Fiery Cross Reef na kanilang sentro

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Photo Source: CNN Philippines

MAYNILA—Kinuyog na naman ang ating bayan sa China, ayon ni Mario Lawit, isang jeepney driver na nakatira sa garahe ng kanilang operator sa Sta. Mesa, Manila dahil sa pagpatupad ng enhanced community quarantine sa buong Luzon sa mahigit 40 na araw na.

“Maraming beses na itong ginawa nila na para bang sila na ang mamay-ari sa lahat na bansa sa Asya,” sabi ni Lawit habang naghintay sa tulong galing sa Department of Labor and Employment (DOLE) dahil sa Covid-19 pandemic.  Siya at ang iba pa niyang kasamahan na tsuper na taga Mindoro ay hindi nakaalis sa Maynila dahil sa lockdown.

Ito ang reaksyon ni Mario Lawit sa ulat na nagtatag na naman ang China ng isang isla sa pinag-aagawang West Philippine Sea, ang Fiery Cross Reef, na ngayon ay isa nang base militar, na maging sentro nila.  Subalit kinontra naman ito sa pamahalaan ng Pilipinas.

Nuong Huwebes, Abril 30, ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng Pilipinas ay nagprotesta sa China sa kanilang embassy sa Maynila at inaangalan nito ang “illegal designation” sa isang isla sa pinag-agawang Spratly archipelago na magiging regional administrative center nila.

Sabi sa pahayag na “The Philippines calls on China to adhere to international law,” at pinaalalahan nito ang China sa kasunduan nuong 2002 na nagsuyo sa mga nag-aagawang bansa na maging mahinahon at iwasan ang mga hakbang na makakapagpalaki sa hidwaan at distabilidad ng rehiyon. 

Matatandaan na ang pamahalaan ng Pilipinas ay nagprotesta din sa China sa kanyang “self-declared territorial zones” sa West Philippine Sea nuon pang 2012, nang tinatag ng Beijing ang Sansha City na sumakop sa malaking bahagi ng South China Sea.  Sabi pa sa protesta ng Pilipinas na “it does not recognize Sansha nor its constituent units nor any subsequent acts emanating from them.”

Ngunit parang walang kabusogan ang China.  Nuong nagdaang linggo, tinatag naman ng China ang dalawang distrito na maging tagapamahala sa dalawang pinag-agawang pungpong ng isla at reef tulad ng mga isla sa Paracel at Spratly kung saan ginawa ng China ang pitong isla, kasama ang Fiery Cross na “missile-protected island bases.”  Ito rin ay pinalagan ng Pilipinas dahil may presensya na ang bansa sa siyam na isla sa gusto nilang aangkinin.

Inakusahan ni U.S. Secretary of State Mike Pompeo ang China na ginamit umano ang kagulohan  sa pandemic upang ipagpatuloy ang kanilang pag-angkin sa nasabing mga isla sa South China Sea.

Nagsabi din ang U.S.-based Asia Maritime Transparency Initiative, na nagbabantay sa kagulohan sa nasabing teritoryo na ang “Fiery Cross has been developed into one of China’s most advanced island bases in the waters with missile shelters, structures with retractable roofs, radars and runway.”

Kasama ang China, Pilipinas, Vietnam, Malaysia, Brunei at Taiwan sa umaangkin sa mga isla ng South China Sea na tinawag din nating West Philippine Sea.

LATEST

LATEST

TRENDING