Tatlong ospital gustong maging Covid-19 testing center; Davao borders sarado pa rin

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

DAVAO CITY—Tatlong tertiary hospital sa lungsod ng Davao ay nais na maging Covid-19 testing centers sa Mindanao.

Ito ay sinabi ni Dr. Annabelle Yumang, tagapagsalita ng Department of Health (DOH)-Davao Region, sa isang panayam sa radyo na napakinggan ng Sandigan News at Banat Pilipinas News.  Sabi niya na ang naghain ng aplikasyon ay ang Davao Doctors Hospital, San Pedro Hospital at Brokenshire Hospital, na lahat ay nasa Davao City.

“As of the moment, the Southern Philippines Medical Center is the only accredited medical facility in Mindanao to test and to confirm Covid-19 cases. The DOH and Inter-Agency Task Force (IATF) on the Management of Emerging Infectious Disease will consider the application of the three hospitals immediately,” sabi ni Dr. Yumang.  

Ang karagdagang ospital ay makakatulong sa pagpataas ng kapasidad ng rehiyon na makagawa ng mass testing sa mga mamamayan sabi ng tagapagsalita ng DOH.

Sa kabilang dako, sinabi ni Mayor Sara Duterte-Carpio sa panayam nito sa Davao City Disaster Radio nuong Martes, na napagkasunduan ng mga lider sa rehiyon na ipagpatuloy ang lockdown sa mga borders nito kahit natanggal na ang ECQ upang paiwasan ang pagdami ng Covid-19 na kaso.

“Our borders are still on lockdown.  Very few, and only under extremely special circumstances, are allowed to enter in our region,” sabi ni Mayor Duterte-Carpio.

Matatandaan na nakasali ang Davao City region sa “high-risk areas” sa Mindanao ng IATF kaya patuloy ito naka-ECQ hanggang Mayo 15. 

Ang aksyon na ito ng mayor, na siya rin ang hepe ng Regional Inter-Agency Task Force on Covid-19 ay sang-ayon sa nagpatuloy ng pagtaas ng kumpirmadong kaso na 129 sa rehiyon nuong Martes, na pinakamataas sa Mindanao.  

Si Governor Jayvee Uy ng Davao de Oro ay nagsabi na ipagpatuloy nila ang ECQ sa kanilang probinsiya hanggang Mayo 15 kahit na tinanggal sila ng IATF sa listahan ng “high risk areas sa Mindanao.

LATEST

LATEST

TRENDING