PCA magbigay ng Php 1.4-bilyon na tulong para sa maliit na magniniyog ng bansa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MANILA—Plano ng Philippine Coconut Authority (PCA) na magdaos ng Php 1.4-bilyon na proyekto para makatulong sa mga maliliit na magniniyog ng bansa upang makaahon sila sa pinsalang dulot ng Covid-19 pandemic.

Sa pahayag ni PCA Director Roque “King” G. Quimpan, sa kanyang live Facebook program “Banat Pilipinas”, nuong Huwebes ng umaga, sinabi niya na pinag-aralan na nila ang pag-realign sa kanilang pundo upang masuportahan ang mga magsasaka ng niyog sa bansa.

“The PCA is looking into developing about 2,000 hectares of coconut farms through intercropping and animal raising as our response to the pandemic that hit the country,” sabi ni Dir. Quimpan.

Ayon sa kanya, ang nais ng proyektong ito na magbigay ng binhi para ma-intercrop sa niyog, magdaos ng animal dispersal tulad ng ng kambing, manok, pato, at baboy sa 45,000 na pamilya sa bansa upang madagdagan ang kanilang kita.

“This is intended only for farmers with less than one hectare of coconut farm which is estimated to be about 95,000 families,” sabi ni Dir. Quimpan.  Hinikayat ng PCA ang mga magsasaka na magtanim ng  iba’t ibang uri ng produkto sa ilalim ng niyogan na madali nilang aanihin.  Maraming uri ng pananim na pwedeng ma-intercrop sa niyog tulad ng gulay, root crops, mais, luya, mongo, mani, at iba pa.

Sinabi rin ni Dir. Quimpan na, “President Rodrigo R. Duterte has ordered us to help the people cope with the Covid-19 pandemic and this is how our office is responding to his call that no Filipino will be left behind during this crisis.”  Hindi maipagkaila na isa ang sektor ng magniniyog sa mga madaling matamaan sa anumang uri ng emerhensiya at kondisyon sa merkado.

Maliban sa isyu ng kakulangan sa produksyon, kailangan ding harapin ng PCA ang problema ng katandaan ng niyog sa bansa.  Sa isang artikulo ng CNBC nuong 2013, sinabi ng Food and Agriculture Organization of the United Nations o FAO, na tumaas ang produksyon ng niyog ng 400 na bunga kada taon sa 10 hanggang 30 taong gulang nito.  Ngunit halos lahat ng niyog sa Asia-Pacific region ay itinanim nuong pagkatapos ng World War II, kaya’t bumaba ang bilang ng kanilang bunga. Sabi din ng FAO na mga 2 porsyento lang ang pagtaas ng produksyon sa niyog taon-taon sa rehiyon.

Ang Indonesia, India at ang Pilipinas ay nagsuplay ng halos 70 porsyento ng produkto ng niyog sa mundo.

LATEST

LATEST

TRENDING