DA Secretary Dar kinumpirma ang 45% accomplishment rate; nagbabala sa mga regional directors

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Photo Source: DA Website

MANILA— Inayos ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar nuong Miyerkules ang nakuhang performance rate nila at nagbabala sa kanyang mga regional directors na hindi sumangguni sa kanyang kautosan na padaliin ang pagbigay ng tulong sa mga magsasaka na naapektohan sa Covid-19 pandemic.

“Lahat po ng ating mga regional directors na hindi tumutugon sa pangangailangan ng Covid environment ay bilis-bilisan na ang aksyon diyan sa kanayunan at nandiyan na ang lahat na pangangailangan na ating maitutulong sa mga farmers” sabi ni Sec. Dar sa isang radio-TV interview na binantayan ng Sandigan News and Banat Pilipinas News kamakailan lang.

Naimbiyerna ang kalihim sa ulat na may iilan sa kanyang mga regional directors ay hindi ginagawa ang kanilang trabaho lalo na sa pagbigay sa pinansyal na tulong na galing sa Financial Subsidy for Rice Farmers Project at iba pang tulong sa mga maralitang magbubukid. 

“Alam mo tayo ay aksyon agad pero ‘yung iba nating kawani ang nagtulong-tulong sa pansitan. Na-warningan ko na yung regional director na iyon, stern warning na,” sabi ni Sec. Dar.  

Sa loob ng Financial Subsidy for Rice Farmers Project ang isang pamilyang magsasaka ng palay na nakalista sa Updated Farmer’s Registry ay makatanggap ng one-time Php 5,000 maliban sa iba pang tulong tulad ng suplay ng binhi, abono, pestisidyo at iba pang sangkap pangsaka. “Nakabigay na din ang DA ng loan sa 200 na magsasaka ng ornamental plants sa Benguet na tig-Php 25,000 each payable within 10 years with zero interest,” sabi ni Sec. Dar.

Nilinaw din ng kalihim na umabot na ng 45 porsyento ang pagbigay nila ng financial aid sa mga magsasaka nuong Abril 28 ng gabi. Ito ay mas mataas na porsyento sa binanggit ni Presidente Rody Duterte sa kanyang public address nuong gabi ng Lunes na 9 porsyento lang ang performance rate ng DA.   

“Gusto ko lang linawin na 45 percent na ang aming accomplishment ngayon.  Medyo natagalan ito dahil marami sa mga target provinces na bigigyan ng assistance ay bago kaya kailangan silang malista sa Farmer’s Registry,” sa paglilinaw ni Sec. Dar. 

Sinabi rin niya na madaling ibigay ng Landbank ang pera sa mga magsasaka kung nasa kamay na nila ang Farmer’s Registry. “Within this week seguradong maibibigay ng ang lahat sa kanila.”

LATEST

LATEST