CHR handang mag-imbistiga ng 200 na kaso ng HRV

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MAYNILA—Ang Commission on Human Rights (CHR) nuong Martes ay nagsabi na handa silang magsasagawa ng imbestigasyon sa may 200 na kaso ng pag-aabuso sa karapatang pantao o human rights violation (HRV) na nangyari sa loob ng enhanced community quarantine sa bansa.

Sabi ni Atty. Jacqueline Ann De Guia, CHR spokesperson sa isang panayam na binantayan ng Sandigan News at Banat Pilipinas News, na kasali sa mga kaso ay ang insidente ng pagbaril ng isang retiradong sundalo ng isang pulis sa kanilang pagtatalo sa Covid-19 checkpoint sa Quezon City.  Ang isa pa ay ang pagtatalo ng nagresponding pulis sa isang banyagang nakatira sa mamahaling subdibisyon sa Makati City dahil sa paglabag umano nito sa quarantine guidelines; at ang pangatlo ay ang insidente ng pagkuyog sa isang tindero ng isda ng mga kasapi sa barangay tanod sa Manila.

“Yes, tutulong tayo sa biktima sa usapin na ito at nagpapasalamat din ako sa gobyerno at ni DILG Secretary Eduardo Año na nagsabi na ang lahat ay alinsunod sa batas at in accordance with human rights standards. Mayroon tayong mga abogado ngayon, mayroon tayong e-lawyering na programa na tutukok sa kasong ito,” sabi ni Atty. De Guia.

Ito  ang pahayag ng abogada sa nangyaring insidente sa pagkuyog ng barangay tanod sa isang tindero ng isda na nakunan ng video.  Ang naturang video clippings ay nagpakita din ang ala-hayop na paraan ng pagdala ng biktima sa nakaparadang sasakyan ng pulis. 

“We are not against the punishment of a wrong committed.  Sa amin lang sana in accordance ito with the law, hindi sumobra, hindi ‘yong sariling punishment na inimbento nila,” sabi niya.  

Ayon kay Atty. De Guia na ang Covid-19 ay isang isyu nga kalusugan at hindi peace and order.  “Dapat matandaan ng law enforcers na health issue ito at hindi tungkol sa peace and order, at tandaan din nila na ang purpose ng quarantine ay to save lives,” sabi ni Atty. De Guia. 

Sa kabilang dako, nagpalabas ng pahayag ang CHR nuong Miyerkules na nagpaalala ng mga kawani ng ospital na ang lahat na tao ay may parehang karapatan ng kalusugan, at karapatang makatanggap ng kaukulang serbisyong medikal na walang diskriminasyon. Kinondena rin ng CHR ang hindi pagtanggap at pagbigay ng medikal na serbisyo sa mga medikal nga pasilidad sa bansa ng mga pasyente na hindi nahawa ng bagong coronavirus.

Nalaman nuong isang linggo na namatay si Catherine Bulatao dahil sa pagkaubos ng dugo nang siya’y tinanggihan ng anim na ospital upang maoperahan at matanggal ang placenta sa kanyang sinapupunan pagkatapos nitong nanganak sa kanilang bahay sa Caloocan.  Nuong Marso, namatay din ang isang senior citizen na may hika nang siya’y tinanggihan ng maraming ospital sa Nueva Ecija.

LATEST

LATEST

TRENDING