Navotas Mayor Toby Tiangco hahabulin ang gumawa ng “double entry” sa SAC form

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MANILA — Hahabulin ko sila, baka hindi muna ngayon ngunit pagkatapos ng ECQ dahil hindi lang nila ninakawan ang pamahalaan kondi ang taongbayan na nangangailangan ng tulong upang mabuhay,” sabi ng mayor sa Navotas.

Pinahayag ito ni Mayor Toby Tiangco sa isang radio-TV interview nuong Lunes na nasabat ng Sandigan News and Banat Pilipinas News nang nadiskubre niya na may anomaliya sa listahan ng mga nakatanggap sa Social Amelioration Program (SAP) sa kanyang lungsod.

“Nagtaka ako dahil 70,000 ang social amelioration card (SAC) forms ang dinistribute namin ngunit kulang pa rin kahit alam namin na about 60,000 lang ang eligible. Kaya kinuha ko ang lista at nakita ko na may pangalan na doble at ang iba ay hindi eligible,” sabi ni Mayor Tiangco.  

Pinangalanan pa ng mayor ang dalawang suspetsado na gumawa ng “double-entry” at ipinangako niya na hahabulin niya ito sa panahon na hindi na siya abala sa pagtugon sa problema sa pandemic sa Navotas.

Ayon sa Bayanihan Law, ang mga Barangay Tanods, Barangay Health Workers at Daycare Workers lamang ang eligible na makatanggap ng ayuda sa SAP na ipinamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).  Ang nasabing batas ay nagtakda ng Php 275-bilyon para sa mga mahihirap na pamilya sa bansa na grabeng naapektohan sa Covid-19. Sa ngayon, halos kalahati pa sa pundo ang napamahagi sa mga mamamayan.

“Nadiskubrehan ko na may dalawang anomalya.  Ang una ang iyong hindi eligible ay nakatanggap ng ayuda tulad ng isang Barangay Administrator na nakatangap ng Php 8,000 galing sa SAP.  Ang pangalawa ay ang hindi pagsabi ng tutuong impormasyon tungkol sa kanilang sarili o kalagayan kaya posible silang makatanggap ng dalawa o pangatlong beses,” ayon ni Mayor Tiangco.

Ngayon ay kasali ang Navotas na napasailalim ng bagong ECQ at sila’y may 31 na kumpirmadong kaso ng Covid-19, siyam ang namatay at 11 ang gumaling. Hinikayat niya ang mga residente na may karamdaman na lumabas at agad magpatulong.  Sinabi ni mayor ng apat sa siyam na namatay sa kanila ay ‘iyong mga pasyente na huli nang pumunta sa ospital. 

“Huwag kayong matakot dahil dalawa lang ang mangyari kung maaga kayong magamot.  Ang una ay malaki ang tsansa na gumaling kayo; at ang pangalawa ay mas malaki ang tsansa na hindi kayo makakahawa ng iba,” pahayag sa mayor.

Hinikayat din niya sa mga katulad niya na local chief executive na doblehin ang kanilang pagsisiyasat sa listahan ng mga SAP beneficiaries upang makarating ang pera sa mga tao na karapat-dapat na makatanggap ng ayuda sa pamahalaan.

LATEST

LATEST