DSWD: Kailangang repasohin ang aming “Balik sa Probinsya Program”

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA—Nais ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na repasohin ang kanilang “Balik sa Probinsya Program” (BSP Program) sa kabila ng panukalang kaparehong programa na inihain ni Senador Christopher Lawrence “Bong” T. Go sa pagtitipon ng gabinete nuong Huwebes ng gabi.

Inihayag ni Sen. Bong Go ang kanyang BSP program plan sa gabinete na isang paraan upang maibsan ang pagsisikip ng tao sa mga malalaking lungsod pagkatapos ng Covid-19 lockdown.  Sinabi niya na sila ni Pangulong Rodrigo R. Duterte at mga probinsyano at gustong bumalik sa Davao City pagkatapos ng kanilang termino sa pagserbisyo sa gobyerno. 

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Joyce Niwane, hepe ng Policy and Plans Division sa isang panayam sa TV-radio na binantayan ng Sandigan News at Banat Pilipinas News na mayroon na silang BSP Program na nagbigay ng tulong sa sino mang kapuspalad na nagnais bumalik sa kanilang probinsya. 

Sabi ni ASec. Niwani na, “This is a program of the department wherein indigent individuals or families could go to the DSWD office of their plan to go back to their provinces for help.  A social worker of the office will then make a case study of the requesting family and make a recommendation.  Once everything is done, which may be for a period of one day to one week, they can go back to the office to get their support.”

Sinabi rin niya na ang madaling mabigay sa kanilang tanggapan ay ang kanilang pamasahi o kaya ang pag-ayos nga kanilang masasakyan pabalik sa kanilang probinsya at ang paghingi ng tulong sa local government units kung saan sila pupunta. “Kailangan din naming mag-link sa lokal na pamahalaan kung saan sila pupunta para matutulongan sila,” sabi ni Niwani.   

Sa isang internet chat ng Sandigan News at News Banat Pilipinas News sa dating DSWD Undersecretary Maria Fe Ancheta-Templa, sinabi niya na ang naturang BSP Program ay matagal na at napasaloob ng Crisis Intervention Program-Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng kagawaran. 

“Sure that’s an old program…antique na yan, kaya lang hindi na-maximize ng poverty groups,” sabi niya. “Urban workers and indigenous people wishing to go home to their provinces can make use of the program,” patuloy pa ni Templa.   Ngunit, sinabi rin niya na limitado lang ang tulong ng BSP Program sa pagbigay ng pamasahi.

Pinahayag din ni ASec. Niwane na kailangang repasohin at ayusin ang kanilang programa upang makakatulong sa bagong BSP na programa ni Sen. Bong Go.  “Sana mayroon ding tulong na maibigay ang lokal na pamahalaan upang manatili na sila duon at hindi na bumalik sa malalaking lungsod,” sabi ni Niwane. 

LATEST

LATEST

TRENDING