DICT nais gamiting “digital classrooms” ang internet café”; 3rd Telco mag-umpisa sa Marso 2021

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MANILA—Kung may magawa sila, gagamitin ng Department of Information and Communication Technology (DICT) ang libo-libong internet cafés sa bansa upang gawing “digital classrooms” para sa mga batang mag-aaral.

Ito ang buod sa sinabi ni DICT Undersecretary Eliseo Rio sa isang radio-TV interview na binantayan ng Sandigan News at Banat Pilipinas News, nuong Huwebes, nang tanungin siya tungkol sa balita na baka ang klase ay sa bahay na gagawin gamit ang internet dahil sa banta ng Covid-19 pandemic.

May mga kasama sa sektor ng edukasyon na nagmungkahi na kung hindi pa malinaw kung kailan ang petsa sa pagbukas ng school year 2020-2021, mas mabuti pang sa bahay na lang ang “virtual classes” nila gamit ang computer at internet.  Maliban nito, ang paggamit ng internet sa bahay ay sang-ayon sa panuntunan ng enhanced community quarantine (ECQ) na mamalagi sa bahay at magtrabaho galing sa bahay.

Ayon ni USec. Rio na seryusong pinag-aralan ito ng kanilang kagawaran na gamitin ang mga internet hubs para gawing pansamantalang digital classrooms dahil hindi lahat ng pamilya ay kayang bumili ng sariling computer, smart phone, o kaya ang magpapakabit ng internet.

 “Ang tanong lang ay marami na ring mga internet cafés na-close dahil sa mahal ng kagamitan, renta, stiff ang competition, at ang price of connectivity.  Kaya we are working on lowering the cost of connection and supporting and tapping small Internet Service Providers (ISP) to participate,” sabi ni Rio.

Nangako ang DICT na susuportahan nila ang anumang plano ng DepEd tungkol sa impormasyon at teknolohiya na gamitin sa edukasyon lalo na’t nakita nitong may pagbabago sa serbisyo ng dalawang malalaking Telco operators. “Medyo may improvement na rin sa services ng dalawang major Telcos natin.  Dahil marahil ito sa pagpasok ng third Telco player”, patuloy ni Rio.

Ang gustong ipahiwatig ni USec. Rio ay ang Dito Telecommunity Corporation, na tinatawag nuon na Mindanao Islamic Telephone Company, Inc., na nabigyan ng gobyerno nang prankisa sa paghatid ng 27mbps na internet speed sa mga gumagamit nito.

Sabi pa ni niya na walang natanggap na ano mang hiling ang Dito sa kanilang kagawaran upang palitan ang petsa ng kanilang work plan kahit na nagkaroon ng Covid-19 pandemic ang bansa.  “I think they are on track of their commitment to provide better internet services and experience to Filipino,” muling sinabi ni Rio.

Magkakaroon ng signal speed measurement ang Dito  ngayong Hulyo 8, 2020 na gagawin ng independent technical team. Mag-umpisa naman ang commercial operations nito, kung walang ibang balakid sa Marso 2021.

LATEST

LATEST