“Selective lifting” ng ECQ suportado ng ULAP

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MANILA—Ang Union of Local Authorities Association of the Philippines (ULAP) nag-anunsyo nuong Huwebes ang kahilingan ng karamihan ng kanilang miyembro ng isang dahan-dahan at “selective” ng enhanced community quarantine (ECQ) sa buong bansa.

Si Marinduque Governor Presbitero Velasco, chairperson ng ULAP, isang grupo nga 30 na gobernador sa bansa, sa isang radio-TV interview na binantayan ng Sandigan News at Banan Pilipinas News, nuong Huwebes, marami sa mga gobyernador ay sang-ayon nga dahan-dahan at piniling pagtanggal ng ECQ dahil maraming mga probinsya sa bansa ang may maliit lamang na kaso ng Covid-19. 

Lininaw ng gobernador na ang presidente at ang Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Covid-19 pa rin ang makapagsabi kung ano ang dapat gawin dahil nasa kanila ang lahat na impormasyon tungkol sa Covid-19 at ang kasalukuyang kalagayan ng bansa ngayon. 

Naghihintay ang lahat sa pahayag ni President Rodrigo R. Duterte tungkol nito ngayong Huwebes pagkatapos niyang makikipagpulong sa mga eksperto sa medisina sa bansa kamakailan lang.

“Gusto namin na gradual at selective ang lifting ng ECQ sa mga lugar na maliit naman ang bilang ng Covid-19 cases.  Ngunit ipagpatuloy pa rin ang strict compliance ng ECQ at IATF guidelines na maging new normal na sa ating bansa, tulad ng pagsusuot ng face masks, maghugas ng kamay, social-distancing at iba pa,” sabi ng gobernador.  

Sabi rin ni Gov. Velasco na sang-ayon sila ipagpaliban muna ang pagbukas ng klase at estrikrong pagpatupad ng batas ng pag-inom at pagpanigarilyo na may direktang epekto sa kalusugan ng tao. “ULAP is also amenable to delay the opening of classes in August or December to ensure the Covid-19 curve is totally flattened to a manageable level and re-infection will be avoided”, sabi ng gobernador.

Ayon din kay Gov. Velasco na nakausap na niya si DILG Secretary Eduardo Año tungkol sa ulat ng mga mamamayan nang hindi pagtugon nga ibang mga local government officials sa ECQ guidelines at sa mahina nitong pagpamahagi ng tulong sa gobyerno sa mga pamilya. Kamakailan lang, 29 na mga Punong barangay sa Metro Manila ang nakatanggap ng show cause order galing sa DILG dahil nito.

Sinabi niya ni Sec.Año na maraming opisyales sa LGU ang nalilito at hindi malaman ang gawin sa maraming mga direktibang kanilang natanggap galing sa iba’t-ibang ahensya. Sabi ng gobernador na “Ang ibang direktiba ay walang detalye na mahihirapan ang ating mga opisyales sa pag-interpret at pagsunod nito.  Sana may translation din ang mga ito sa local dialects nila.”

LATEST

LATEST

TRENDING