Sen. Zubiri bumalik sa ospital, nanawagan sa mga Covid-19 survivors na magbigay ng plasma

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Photo Source: CNN PH

MANILA—Nakabalik si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa ospital nuong Martes.  Ngunit hindi siya pumunta sa Philippine General Hospital upang magpapagamot muli dahil sa coronavirus disease-2019 (Covid-19), ngunit upang mag-alay ng kanyang “blood plasma” upang matulongan ang iba pang kagaya niyang pasyente; isang pamantayan ng “servant-leader.”

Kamakailan lang, si Sen. Zubiri na galing sa probinsya ng Bukidnon, ay nakaalpas sa sakit pagkatapos nitong nag-self-quarantine nang siya ay nakitaan ng simtomas ng Covid-19 nuong nakaraang buwan. Siya ang unang senador na naging positibo sa Covid-19 na sinundan nina senador Aquilino “Koko” Pimentel III, at Sonny Angara.  Silang dalawa ni Pimentel at Angara ay kasalukuyang naka-quarantine pa.

Sinabi ng senador na sinuwerte siya na gumaling sa sakit na walang komplikasyon ngunit nabahala siya sa ibang pasyente na hindi kakayanin sa kanilang katawan ang sakit.  “If plasma donations can help them in anyway, then I am more than happy to offer mine,” sabi ng senador sa kanyang payahag.

Ang “plasma therapy” ay hindi bago. Isa itong medikal na pamamaraan na ang plasma sa dugo, sa kasong ito, sa isang gumaling na pasyente ng Covid-19, ay kukunin at gawing “antibodies” o natural na pangkontra ng sakit sa katawan, na gawing panglunas sa ibang Covid-19 na pasyente.  Pinaniwalaan na ang katawan ng nakatanggap ng plasma ay makagawa ng kanilang sariling “antibodies” sa virus.  Ang proseso na ito ay ginamit sa iilang mga pasyente ng Covid-19, ngayon na wala pang bakuna at marami sa kanila ang nakitaan ng magandang resulta. 

Ayon sa Healthline, ang dugo ay may apat na bahagi, ito ay ang: plasma, red blood cells, white blood cells, at platelets.  Ang plasma na may kulay hilaw na dilaw ay nagtataglay ng 55 porsyento sa ating dugo at may maraming ginagampanang trabaho sa loob ng katawan, tulad ng pagdala ng protina, pagkain at sa “waste products.”

Magpapalakas din sa “immune system” sa pasyente dahil sa taglay nitong gamma globulins, isang tipo ng immunoglobulin na makakatulong sa paglaban ng mga impeksyon.  Sabi rin sa Healthline na, “when people lose a lot of blood, often due to a traumatic accident or surgery, they also lose a lot of plasma.  Given all the functions of plasma, this can have serious effects on someone’s health.” May mga ulat galing sa medical frontliners na “kinain” ng Covid-19 ang dugo ng biktima na may malubhang kalagayan kaya’t kinailangan silang dagdagan ng dugo.

Kaya’t panawagan ni Senator Zubiri sa mga katulad niyang Covid-19 survivor na magbigay ng kanilang plasma sa pamahalaan na abala ngayon sa paghanap ng solusyon sa malubhang krisis na ito na nakasira sa ekomomiya sa daigdig, kasama na rito ang Pilipinas.  Nagbigay din siya ng 6,000 Covid-19 antibody diagnostic kits sa mga ospital sa kanyang probinsya sa Mindanao.

LATEST

LATEST

TRENDING