UP-Mindanao: Madaliang pagtapos ng ECQ lubhang mapanganib; mass testing paiigtingin

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Photo Source: CNN PH

DAVAO CITY—Habang nagpupulong si Presidente Rodrigo R. Duterte sa mga dalubhasa at magagaling sa siyensiya at kalusugan upang matulungan siyang magpasya kung tapusin o pahabain ang enhanced community quarantine (ECQ) sa bansa, ang University of the Philippines (UP)-Mindanao ay nagbantang mapanganib ang madaliang pagtapos nito at nagmungkahing ipagpatuloy pa ang ECQ.

Ang UP-Mindanao Interdisciplinary Applied Modeling (IAM) Laboratory, na nasa Barangay Mintal, Davao City, sa isang ulat na nakuha ng Banat Pilipinas News at Sandigan News nuong Abril 14 ay nagmungkahi na “pahabain pa ang ECQ sa Davao ng dalawang linggo at magsasagawa ng test upang maibsan ang paglaganap ng coronavirus disease (Covid-19).”

Ang IAM Lab ay kasali sa UP System Covid-19 Pandemic Response Team-Bioinformatics and Modeling Group na sinalihan ng mga mathematicians sa iba’t-ibang UP campus sa bansa.

Sabi ng ulat na “these recommendations were based on a simulation made by the UP-Mindanao’s AIM Laboratory where they factored in the timeline of cases of Covid-19 in Davao region from March 15 to April 4, the period when the community quarantine was implemented.”

Sinabi ni Dr. Mary Anne Mata, pangulo ng IAM Lab na lubhang mapanganib kung tapusin na kaagad ang ECQ. Nakita nila sa kanilang ginawang simulation na kung tapusin ang ECQ sa Abril, “the infected population will continue to persist,” ayon kay Dr. Mata.

Sinabi rin ni Dr. Mata na “For instance, we see that the exposed population is stable from May to July after it peaks during the last week of March.”  Kaya mungkahi ng IAM Lab na habaan pa ang ECQ ng dalawang linggo at tingnan nito kung may mga bagong kaso na pumasok sa panahong ito. Ang pangalawang bugso ng kanilang pagsusuri ay sa Abril 4 hanggang 19.

Sa kabilang dako, sa isa ring pagsusuri ng IAM Lab ay napag-alaman ang kahalagahan ng mass testing sa mga Persons Under Monitoring (PUM), posibleng magkakaroon at suspetsadong mayroon, upang malaman kung sino sa kanila ang asymptomatic at makakahawa sa iba.

“We recommend that the government should consider testing more PUMs and/o PUIs in the region for early detection of the infected population so that these individuals will be isolated immediately from the susceptible pool,” sabi sa ulat.

Nuong isang linggo, pinahaba ng Davao Region Inter-Agency Task Force on Covid-19 ang ECQ sa rehiyon hanggang Abril 26 at dahil nito, ipagpatuloy pa ang pagbibigay ng pagkain sa mga maralita. 

Sa ngayon, ang Southern Philippines Medical Center (SPMC) lang ang awtorisadong magsagawa ng Real-time Polymerase Chain Reaction (RT-PCR), na isang molecular diagnostic testing ng World Health Organization upang malaman ang kaso ng Severe Acute Respiratory Syndrome Coronavirus 2 (SARS-CoV-2).  

LATEST

LATEST

TRENDING