“People-centered response” ng Covid-19 pamunuan ng lokal na pamahalaan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MANILA—Mahigit isang buwan pagkatapos ng lockdown, ang mga lokal na pamahalaan ay pinapalakas upang pamunuan ang pakikipagdigma sa Coronavirus-19 (Covid-19) na kumitil ng mahigit 400 na Pilipino at paghawa ng libo-libo pa, sa kanilang sinasakupan.

Ito ang pahayag ni Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, tagapagsalita ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Disease nuong Sabado, sa isang “virtual press briefing.” 

Sinabi niya na ang IATF ay nagpalabas ng Resolution No. 25 nuong Abril 17 na naglalayon ng isang  pakikipaglaban sa Covid-19 na pinamumunuan ng mga lokal na pamahalaan at ordinaryong mamamayan.

Sinabi din ni CabSec. Nograles na “The IATF adopts a national government-enabled, local government unit-led, and people-centered response to Covid-19 health event.” Kaugnay nito ang mabigyan ang mga lokal na pamahalaan ng malaking responsibilidad na maseguro na masunod ang lahat ng direktiba ng IATF at ang pamantayan sa implementasyon ng enhanced community quarantine (ECQ) ng Department of Health na sang-ayon sa sitwasyon sa kanilang lugar. 

Nalagay din sa Resolution No. 25 na “LGUs are enjoined to pursue regional cooperation in leading the fight against Covid-19.” Dahil nito, ang mga lokal na pamahalaan ay may katungkulan na makasali sa mga usaping may kaugnayan nito at makabigay ng kanilang saloobin at kaalaman sa ginawang rehiyonal at nasyunal na plan sa  pagtugon sa Covid-19 pandemic.

“The IATF directed all government agencies to recommend sector-specific plans, strategies, and targets to the task force and ordered the National Task Force Covid-19 to develop new operational plans,” sabi ni Nograles.    

LATEST

LATEST

TRENDING