DAVAO CITY—Ang Region XI, na tinatawag din na Davao Region ay ipasailalim ng pinahabang enhanced community quarantine (ECQ) haggang Abril 26.
Ang Davao region ay kinabibilangan ng Davao City, at mga probinsya at component cities ng Davao Oriental, Davao del Sur, Davao del Norte, Davao de Oro (dati Compostela Valley Province), at ang bago lang na natatag na Davao Occidental.
Ibinalita ito ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, hepe ng Davao Region Inter-Agency Task Force (DRIATF) on Covid-19 nuong Miyerkules ng gabi sa isang pagpupulong kasama ang media.
Matapos na sana ang ECQ ngayong Linggo, Abril 19, ngunit pinahaba ito ng DRIATF dahil sa bagong 11 na kaso ng Covid-19 sa rehiyon. Halos lahat sa kanila ay galing sa Davao City.
Sa kanyang pangunahing pahayag bago nag-umpisa ang pulong, sinabi ni Mayor Duterte-Carpio na
“Unfortunately, I am a bearer of bad news. Tonight the DRIATF, attended by all governors, mayors and based on the presentation and explanation of the Department of Health, we need to extend ECQ in Davao Region.”
Dahil nito, sinabi ni Duterter-Carpio na madagdagan ng “one and half incubation period” kaya ang pangalawang pagbibigay ng pagkaing rasyon sa mamayan ay dapat mag-uumpisa ngayong Lunes, Abril 20.
Sa kabilang dako, nagpalabas naman si Mayor Duterte-Carpio ng Executive Order 25, series of 2020 na naglagay sa buong lungsod ng “Period of Mourning and Vigilance” mula Abril 17 hanggang Disyembre 31, 2020. “Ito’y ating pagdalamhati at pagbibigay pugay sa sakripisyo ng mga namatay at sa mga lumalaban na masugpo ang Covid-19 pandemic, sabi ng mayor.
Sa ilalim ng Executive Order, ang lahat na selebrasyon ng lungsod at pamahalaang nasyunal, salo-salo, anibersaryo, at kapistahan ay kanselado. Subalit, ang mga “commemoration of dates” at “legal holidays” ay pahintulotan sa madaling panahon lamang at inaanyayahan nito ang mga barangay na iwasan ang malakihang selebrasyon at ang kanilang kapistahan, anibersaryo at selebrasyon sa Araw ng Barangay ay kanselado din.
Hinimok din ng yaong order ang pribadong sektor na sumunod nito. Gawing “low key” ang mga salo-salo na hindi lalampas ng 25 ka tao (sa isang okasyon) at ipagpaliban muna ang kanilang malakihang selebrasyon sa 2021.
Hinikayat ang pribadong sektor na magsagawa ng kanilang sariling kawang gawa tulad ng pagbigay ng pagkain, “feeding program”, at pinansyal na tulong sa pamilya ng kanilang mga empleyado.
Sinabi din sa order ang kaparusahan na maaaring isampa ng pamahalaan ng Davao City sa mga lumabag nito at sa tahasang pagwaldas ng pera sa panahong ito.