NEDA Chief Pernia nagbitiw sa pwesto o sinibak?

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA—Kahit na ang bansa ay patuloy na lumalaban sa masamang epekto sa kalusugan, sosyal at sa ekonomiya na dulot ng Coronavirus-2019 (Covid-19) pandemic, ang gabinete ni Presidente Rodrigo R. Duterte ay niyanig na naman ng bagong pagsubok.

Sa nakalipas na mga araw, ang mayoriya ng mga senador na pinangunahan ni Senate President Vicente Sotto III ay naghain ng isang resolusyon sa “madaliang pagbitiw” sa pwesto ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III dahil sa kanyang “failure of leadership, negligence, lack of foresight, and inefficiency in the performance of his duties”, at iba pang akusasyon sa pagtugon niya sa Covid-19 crisis sa bansa.

Nuong Biyernes, April 17, si Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia ay nag-anusyo ng kanyang pagbitiw sa pwesto sa “personal na dahilan” at “pagkakaiba ng pananaw tungkol sa kaunlaran” sa iilang kasama niya sa gabinete.

Sec. Penia ay isa sa mga unang napiling opisyal sa gabinete ni President-elect Rodrigo Duterte nuong Hulyo 2016 upang maging hepe ng National Economic Development Authority (NEDA).  Isa ito sa pinaka-mahalagang katungkulan as administrasyong Duterte na magdala sa ekonomiya sa bansa patungo sa programa sa tunay na pagbabago.

Sa isang pahayag na ipinamahagi niya sa media, ang 76-na gulang na opisyal ay nagsabi na “After reflection during Holy Week, and consultations with my family and close colleagues, I have decided to resign from my post as Secretary of Socioeconomic Planning. This is due partly to personal reasons and partly to differences in development philosophy with a few of my fellow Cabinet members.”

Sinabi rin ni Pernia sa isang pagtitipon ng gabinite at media na gumawa ang NEDA ng mga hakbang ubang maitaguyod ang ekonomiya ng bansa at makabalik ang tiwala ng konsumante at mga negosyante pagkatapos ng Covid-19 crisis na ito.  

“We’re still with phase one: rebuilding consumer confidence; phase two: restoring business optimism; phase three: adapting to a new normal—recover as one. There will be a dashboard for each phase. Phase one dashboard to be completed on April 16,” ayon sa kalihim.

Sa kanyang pamumuno, nagawa ng NEDA ang Philippine Development Plan (PDP) 2017-2022 patungo sa ating “Ambisyon Natin 2040,” at nagawang pagbubusihin ang mga flagship infrastructure projects upang masang-ayonan sa NEDA Board at sa presidente.

Nuong lumipas na linggo, may umikot na balita na sisibakin umano ng presidente ang hepe ng NEDA na pinabulaanan naman ng kalihim.  Pinasalamatan ng kalihim ang presidente sa pagpili nito bilang kasama sa kanyang gabinete. “It has been an honor and privilege to have served the country under his administration for the past nearly four years.” 

Sa kabilang dako, pinahayag ni Executive Secretary Salvador Medialdea na tinanggap ni Presidente  Duterte ang pagbitiw ni Pernia sa pwesto at ang pagtalaga ni Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua bilang acting NEDA chief.

LATEST

LATEST

TRENDING