Pagkahawa mula sa namatay dahil sa COVID-19, naiulat sa Thailand

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

HANGGANG ngayon ang mga eksperto sa medisina at awtoridad ay hindi magkasundo kung makuha ba sa hangin ang Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS)-Coronavirus-2 na pinanggalingan ng coronavirus disease-2019 (Covid-19)?

Nuong mga nakaraang linggo ay lumabas sa internet ang isang video na ginawa sa Japan na ginamitan ang makabagong camera at may isang tao na bumabahing at nakita ang maliliit na droplets na galing sa kanyang bibig ng ilang oras.  Ginamit din itong naturang video sa isang TV press conference ni Presidente Duterte at sa kanyang gabinete kung saan kanyang iginiit ang kahalagahan sa paggamit ng panakip sa mukha. 

Pekeng balita ba ito at hindi, nagkaisa ang lahat na ang virus ay maaring kumalat kung mabasa ang tao sa likido galing sa katawan ng isang taong Covid-19 positive tulad ng pagbahing, pag-ubo, o di kaya’y paghawak ng kontaminadong bagay at mailagay ito sa kanyang ilong, bunganga, at mata.

Kaya nirekomenda ng World Health Organization (WHO) at Department of Health (DOH) ang wastong pagsuot ng facemask, paghugas ng kamay ng sabon, at manatilihin ang physical distancing.

Ngunit habang naghahanap ang iba sa sagot sa mga tanong ukol sa virus at sa paghahanap ng lunas at bakuna sa sakit, libu-libong tao ang namamatay at mamamatay kada araw, kasama nito ang nasa front line.  Ang nakitang pinakaepektibong paraan ng pamahalaan ubang masugpo ang pagkalat ng virus ay ang pag-iwas na lumabas sa bahay, mag-self quarantine, at hanggang sa pagpatupad ang enhanced community quarantine (ECQ).

Alam na ngayon na nahahawa ang mga medical frontliners sa kanilang mga pasyente.  Ngunit ang iba ay nahawa sa mga hindi sumusunod sa DOH at sa awtoridad. Kaya tugon sa pamahalaan ang pagbili ng maraming personal protection equipment (PPE) sa mga frontliner at ang estriktong pagpatupad ng ECQ guidelines.  Ang mga kapulisan ay humaharang na sa mga pribadong sasakyan at sinisita ang mga tao na hindi dapat lumabas sa kalye.

Subalit nuong Abril 13, may nakuhang ulat ang BuzzFeed News na ini-post naman ni Dan Vergano na nagsabing, “ang mga sayantipiko sa RVT Medical Center sa Bangkok, Thailand ang naka-dokumento ng unang kaso na pagkahawa nga isang medical examiner ng Covid-19 sa isang patay na tao.”

Ang Journal of Forensic and Legal Medicine Study na inilabas nuong April 12 nagsabi na “This is the first report on Covid-19 infection and death among medical personnel in a Forensic Medicine unit. The disinfection procedure used in operation room might be applied in pathology/forensic unit.”  

Subalit, sinabi rin sa ulat na walang datos ang Thailand sa tukmang numero ng patay na katawan na nahawaan sa Covid-19 dahil hindi ito gawain ang pag-eksamin sa katawan ng patay na Covid-19 positive. Dito sa Pilipinas, naging protocol ng DOH na i-cremate kaagad ang patay na katawan ng Covid-19 positive sa mga awtorisadong crematorium.

Ang bansang Thailand ay isa sa may mababang kaso ng Covid-19 sa Southeast Asia na 2,579 at may dalawang kaso sa pagkamatay ng kasama sa forensic team mula nuong Marso 20.

Si Angelique Corthals, isang professor ng pathology sa John Jay College of Criminal Justice ay nagsabi na talagang makabahala ang isyung ito. Sabi niya, “not just the medical examiners, but morgue technicians and the people in funeral homes need to take extra care.” 

Wala kasing pag-aaral kung hanggang kailan mabubuhay ang Covid-19 sa katawan ng isang patay o kung makakahawa pa ba ito sa taong humahawak nito.

LATEST

LATEST

TRENDING