Sec. Galvez nagtakda ng mga kondisyon sa pagtanggal ng ECQ

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA— “Ang hindi agarang pagtanggal ng lockdown o enhanced community quarantine (ECQ) ay seryusong pinag-aralan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Disease at malaman natin ang desisyon na ito sa madaling panahon,” ayon kay Sec. Carlito Galvez, Jr., ang Chief Implementer sa National Plan of Action Against Covid-19, sa live TV interview nito sa Martes.

Si Sec. Galvez, isang retiradong heneral sa Armed Forces of the Philippines na naging tanyag dahil sa pagtulong nitong makamtan ang kapayapaan sa Mindanao sa pamamagitan ng usapang pangkapayapaan ng Gobyerno ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front (MILF).  Binigyan siya ng bagong tungkulin ni Presidente Rody R. Duterte sa pagsugpo ng coronavirus disease (Covid-19) sa Pilipinas. 

Sabi ni Sec. Galvez na bibili ang Department of Health (DOH) ng halos 2 milyon na “rapid testing kits” sa pamamagitan ng “government-to-government negotiation”, upang mapabilis ang pagdating nito at maibsan ang 200 hanggang 300 na libong kakulangan nito sa bansa.  

“Sa kasalukuyan mayroon tayong 100 na libong test kits ngunit kulang ito sa pangangailangan kahit dito lang sa Metro Manila na naging sentro ng krisis,” ayon kay Galvez.  Sabi ng kalihim na malubhang kinakailangan ito upang makakuha ng tukmang bilang sa Covid-19 positive at iyong may karamdaman. 

At dahil nito, nagtakda ang kalihim nga tatlong kondisyon bago makagawa ng desisyon ang IATF upang palawakin o tapusin na ang ECQ. Una nito ang malawakang Covid-19 testing sa bansa.  Pangalawa ang pagkuha ng tukmang datos at numero ng mga Covid-19 positive at suspetsado. Ang pangatlo ay ang epektibong paghanap o “tracing” sa posibleng may dala ng sakit.

Makakatulong din, ayon sa kalihim ang pagkakaroon ng National ID System lalo na sa pagpadala ng tulong galing sa pamahalaan tungo sa dapat makakatanggap nito at sa madaliang paghanap ng taong may sakit.  Matagal nang tapos ang National ID System Act of 2018 ngunit hanggang ngayon hindi pa ito nauumpisahan.

Binigyang puri din ni Sec. Galvez ang iilang bayan at syudad ng Visayas at Mindanao sa kanilang matagumpay na pagsugpo ng Covid-19 infection tulad ng pagsegurong masunod ang utos na manatili sa bahay, physical distancing, paggamit nga face mask, at pagsuporta sa mga frontliners.

LATEST

LATEST

TRENDING