PRRD nagbantang aarestohin ang mga pasaway na mayor at isara ang ospital

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA—Ang presidente ng Pilipinas, Rodrigo Roa Duterte, nuong Lunes, ay nagbantang aarestohin ang mga mayor na walang ginawa sa pagsugpo at hindi sumusunod sa kautusan ng Department of Health (DOH) ukol sa patuloy ng paglaganap ng Covid-19 sa kanilang sinasakupan.

Sa isang gabing press conference kasama ang kanyang mga gabinete sa Malacanang, pinagalitan ni Duterte ang mga mayor na nagsabing mayroon silang ibang pamamaraan sa pagsugpo ng virus.  “Sabi ko na ipaaresto ko ang mga mayor na magsabi na mayroong silang sariling batas. Ang batas ng DOH lang ang sundin ninyo na ginampanan nilang tatlo ni Secs. Lorenza, Año at Galvez,” President Duterte said.  

Tinukoy ng president sina Sec. Delfin Lorenzana, Presidential Security Adviser; DILG Sec. Eduardo Año; at, Sec. Carlito Galvez Jr., Chief Implementer of the National Action Plan Against Covid-19.

Nabahala ang president sa pagtaas ng bilang ng Covid-19 infection sa Metro Manila dahil umano sa kapabayaan ng ilang mayor at hindi seryusong pagsunod nito sa utos ng DOH tulad ng manatilihin ang “physical distancing,” hindi aalis sa bahay, paggamit nga face mask, paghugas ng kamay, pagkain ng masustansyang pagkain, at iba pang gawaing pangkalusugan.

Nakita sa DOH na marami pa ring tao sa Metro Manila na nasa labas ng kanilang bahay at walang “physical distancing” kahit nasa ECQ na. Nuong April 13, pumako na sa malapit 5,000 ang bilang sa kumpirmadong Covid-19 positive sa bansa, karamihan nito nasa Metro Manila.  Banta pa sa presidente na “hindi ko kayo papalabasin hanggang matapos ang crisis na ito o may anti-body na pangsangga sa virus.”  

Sa kabilang dako, nagbanta rin si PRRD sa mga ospital na hindi tumatanggap na pasyente sa Covid-19. “Huwag ninyong gawin yan at seguradong pupuntahan ko kayo at ipapa-aresto at isarado ko kayo” sabi ni Duterte.

Malamang na reaksyon ito ng president sa kaso ng isang Ladislao Cabling, 65, na taga Nueva Ecija na namatay sa kumplikasyon sa baga, na hindi naman dahil sa Covid-19 pagkatapos tinangihan sila ng anim na ospital.  Ang anak na babaye ng namatay na si Girlie Cabling-Cagaoan sa isang TV interview ay nagsabi na isang gabi dinala nila ang kanilang ama sa pagamutan dahil sa hika. Sa loob ng emergency room sinabihan sila ng staff sa ospital na hindi nila matanggap ang kanilang ama dahil wala ng ICU room.

“Tiningnan lang nila ang ama ko na naghihirap ngunit wala silang ginagawang first aid man lang at sinabi sa akin na wala silang available na room kaya pumunta na kami sa katabing ospital, sabi ni Cagaoan. “Ganoon din ang ginawa at sinabi ng kabilang ospital na dinalhan namin.  Magkatabi lang po ang mga ospital at walang trapik kaya madali kaming nagpalipat-lipat,” patuloy ng anak.

Posibleng gamitin sa presidente at Department of Justice ang batas na R.A. 8344 – An Act Penalizing the Refusal of Hospitals and Medical Clinics to Administer Appropriate Initial Medical Treatment Act of 1997 at ang R.A.  10932 o ang Anti-Hospital Deposit Law, na pinirmahan ni PRRD nuong 2017.

LATEST

LATEST

TRENDING