MANILA—Sinabi ni Secretary Karlo Alexi Nograles, tagapagsalita ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases sa isang virtual presser nuong Miyerkules na pai-igtingin sa Philippine National Police (PNP) ang kanilang implementasyon ng enhanced community quarantine (ECQ) order.
Isiniwalat ni Nograles ang report galing sa PNP na umabot na ng mahigit 108,000 ang naaresto nila dahil sa paglabag sa ECQ guidelines nuong nag-uumpisa ang lockdown.
“Marami na ring violators na naaresto sa mga checkpoints lalo na dito sa Metro Manila ngunit marami pa ring makikitang gumagala. Kaya dahil nito, isa-isahin nang sitahin ng kapulisan ang a nagbibiyahe kung sila ba ay nasa listahan sa “authorized persons outside residence (APOR) sa DOH guidelines”, patuloy ni Nograles.
Sabi ni Nograles na mag-uumpisa ito ngayong lingo at kasama sa inspection ang mga pribadong sasakyan sa mga checkpoints sa highways at barangay roads upang maseguro na yong lamang mga tao na nasa APOR ang pwedeng magbiyahe. May mga kaukulang parusa ito sa mga lumabag upang ipakita na hindi nagbibiro ang pamahalaan sa kampanya sa pagsugpo ng Covid-19.
Nuong isang araw, pinagalitan ni Presidente Duterte ang ilang mayor at ang nasa local government units lalo na sa Metro Manila at Luzon dahil hindi nila nasunod ang DOH guidelines ukol sa ECQ.