Mayor Sara Durterte-Carpio nagtayo ng Trust Fund para sa Covid-10 frontliners

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

DAVAO CITY – Si Davao City Mayor at presidential daughter Sara Z. Duterte-Carpio ay nagbigay pahayag nuong Martes na magtayo siya ng isang Trust Fund para sa mga Covid-19 frontliners na nakatalaga sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa Davao City.  Si Duterte-Carpio ay siya ring pangulo sa Regional Inter-Agency Task Force on Covid-19 sa Davao Region.

Upang makaumpisa, nais ni Duterte-Carpio na ibigay ang kanyang isang taong sahod na nagkakahalaga ng Php 2.1 milyon.  “Nakita ko ang pangangailangan ng mga medical frontliner sa SPMC lalo na sa mga nahawa sa sakit na Covid-19 na galing sa kanilang mga pasyente.  Dahil nito, nais kong magtatag ng isang Trust Fund para sa kanila. Ibibigay ko ang aking sahod sa isang taon na mahigit Php 2 milyon,” sabi ng mayor sa wikang Cebuano.

Masaya si Dr. Leonardo Vega, hepe ng SPMC sa plano ng mayor.  Sabi niya na malaki itong tulong sa mga frontliner na nakikipaglaban sa Covid-19 at magpapalakas sa kanilang kaluoban. Alam nila na tutohanin ito ng isang Duterte na may pagmahal sa mga mahihirap at marunong kumilala sa mabuting ginawa ng mga nasa gobyerno. 

“Sa kasalukuyan, mayroong mahigit 20 na frontliners sa SPMC na infected sa Covid-19 nuong nagsimula ang community quarantine sa Marso 19.  Marami sa kanila mga bread winners at kailangan nila ang lahat ng tulong na makukuha natin upang manatiling panatag ang kanilang kaluoban at mapangalagaan ang kanilang pamilya,” sabi ni Dr. Vega.

Patuloy ni Dr. Vega, “Nais ni Mayor Duterte-Carpio na mabigyan ng Php 50,000 ang lahat na pamilya sa frontliner na nag-positive at iba pang tulong na maibigay sa ibang ahensiya ng gobyerno upang makaahon sila sa kanilang hindi kaaya-ayang kalagayan.”  

Muling pinaanyayahan ng mayor ang lahat na Dabawenyo na palaging manatili sa kanilang mga bahay at iwasang makasalimuha sa iba at sumunod sa utos ng pamahalaan. Isa ang Davao City sa may magandang nakamit upang makaiwas na makahawa sa iba.

LATEST

LATEST